Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dominic at Marco, magbibida sa My Super D

00 SHOWBIZ ms mKILALA ang Dreamscape Entertainment Television ng ABS-CBN sa paghahatid ng mga panooring nagbibigay-aral tulad ng 100 Days to Heaven, Honesto, May Bukas Pa, at Nathaniel. Sa Lunes, Abril 18, matutunghayan ang pinakabagong handog ng DET, ang My Super D, ang kuwento ng kabayanihan na magpapatunay na kahit ordinaryong tao, maaaring maging superhero basta’t gamit ang kapangyarihan ng pagmamahal. Pagbibidahan ito nina Dominic Ochoa at Marco Masa.

Gagampanan ni Dominic ang papel ni Dodong, isang security guard na lubos na iniidolo ang yumaong superhero na si Super D (Richard Yap) na laging handang sumaklolo sa mga taong nangangailangan. Ang anak naman niyang si Dennis, na gagampanan ni Marco ay namulat sa isang masayang pamilya at namana ang pagiging matulungin ng ama.

Subalit dahil sa sobrang pagiging matulungin ni Dodong, hindi maiwasang unahin nito ang kapakanan ng iba at maging palpak pagdating sa kanyang sariling pamilya. At nang makulong ito matapos ang isang construction accident, nagpasya ang kanyang asawang si Nicole (Bianco Manalo) na iwanan na si Dodong at mag-isang itaguyod si Dennis.

Sa kanyang paglabas sa kulungan, mamamasukan si Dodong bilang stunt double ni Tony (Marvin Agustin), isang aktor sa isang children’s show at karibal kay Nicole. Rito niya rin makikilala si Pablo Mateo (Nonie Buencamino), writer ng palabas at kaibigan ng kanyang yumaong iniidolong superhero.

Sa pagkamatay ni Super D, naging misyon ni Pablo na hanapin ang taong karapatdapat na pumalit sa superhero at nakita niya ito kay Dodong. Kaya naman nang makidnap si Dennis, hindi nag-atubili si Pablo na tulungan si Dodong hanapin ang Blue Gem para ganap na maging si Super D.

Dito mag-uumpisang sugpuin ni Dodong bilang Super D ang mga krimen upang mapanatili ang katahimikan at kaligtasan ng mga mamamayan.

Kasama rin sa cast ng My Super D sina Sylvia Sanchez, Ronaldo Valdez, Jason Francisco, Jayson Gainza, Marina Benipayo, Atoy Co, Myrtle Sarrosa, Jef Gaitan, Louie Domingo, at Bong Regala. May espesyal na partisipasyon din sina Richard, Lara Quigaman, at Ronnie Lazaro. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Frasco Mortiz at Lino Cayetano at sa panulat ni Shugo Praico.

Kaya huwag palampasin ang pag-uumpisa ng kuwentong magpapatunay na kahit ordinaryong tao ay maaaring maging superhero, ang My Super D, gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …