Friday , November 22 2024

Illegal bonuses sa Philhealth isauli kaya ni Riza Hontiveros?!

Hinahamon ngayon si senatorial candidate Riza Hontiveros ng National Association of Lawyers for Justice and Peace (NALJP) na pinamumunuan ni Atty. Jesus Santos na pangunahan niya ang pagsasauli ng P1.761-bilyon ‘ILLEGAL BONUSES’ na ipinamahagi sa kanila sa PhilHealth bilang mga opisyal.

Ayon kay Atty. Santos, kailangan patunayan ni Ms. Hontiveros na karapat-dapat siya sa pagtitiwala ng sambayanan sa pamamagitan ng pagsasauli sa nasabing illegal bonuses at hikayatin ang iba pang opisyal ng PhilHealth.

Ikinatuwiran noon ng PhilHealth na inaprubahan ang nasabing bonuses sa pamamagitan ng board resolutions.

Ngunit ayon sa Commission on Audit (COA), ang nasabing mga resolusyon ay hindi ipinasa sa Office of the President para aprubahan bilang rekesitos sa ilalim ng Section 6 ng Presidential Decree 1597.

Ang nasabing illegal bonuses ay ipinamahagi sa mga opisyal at empleyado ng PhilHealth noong 2013 na umabot sa P1.761 bilyones.

Por delicadeza nga naman, dapat isauli ang napakalaking ‘illegal bonuses’ na ‘yan dahil kuwarta ‘yan ng mga miyembro ng PhilHealth.

At sino ba ang mga miyembro ng PhilHealth?

‘Yung maliliit na manggagawa at mga emple-yado na kinakaltasan kada sahod para tiyak na makapagbayad sa PhilHealth.

Mantakin ninyong pinagtutubuan nang malaki ang kontribusyon nila sa PhilHealth, pero ang tubo ay napupunta sa mga opisyal habang ang mga miyembro ay kakarampot ang napakikinaba-ngan?!

Kailangan pa bang ireklamo sila, bago nila isauli ‘yang illegal bonuses na ‘yan?!

Ngayon, hinahamon si Madame Riza, para patunayan niya na karapat-dapat siya sa tiwala ng sambayanan. Dapat siyang manguna sa pagsasauli ng ILLEGAL BONUSES na kanyang natanggap…

Kaya n’yo ba ‘yun, Ms. Hontiveros?!

Just asking lang po…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *