Saturday , November 23 2024

Eula Valdez at Christian Vasquez nagkakamabutihan na Boots Anson Roa kontrang-kontra

NAG-CELEBRATE ng kanilang first weeksary sina Eula Valdez at Christian Vasquez na gumaganap bilang Presidente Leo-na Jacinto at Colonel Oliver Gonzaga sa morning teleserye na pinagbibidahan ni Ryzza Mae Dizon na “Princess In The Palace.”

At ang number one na excited sa relasyon ng kanyang nanay Leona at ni Oliver ay si Princess na ginagampanan ni Ryzza. Ang bata pa mismo ang nag-suggest na dapat ay i-celebrate ng magsiyota ang kanilang anibersaryo.

Pero ang sad part lang, kung tanggap ni Princess si Col. Oliver ay hindi naman pabor ang mother ni Pangulong Leona na si Donya Victorina (Boots Anson Roa).

Kahit kinausap pa mismo ni Leona na sabi ay hindi niya hahadlangan ang kaligayahan ng anak. Sa puso nito ay ayaw pa rin niya kay Col. Gonzaga at mas gustong sa ibang lalaki mapunta ang anak na pangulo ng bansa.

Samantala sa pagpasok ng karakter ni Chanda Romero, ano kaya ang magiging papel nito sa buhay ng First Family?

Kakampi ba siya o kaaway. Abangan ‘yan sa pagpapatuloy ng “Princess In The Palace” na mapapanood Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7 bago mag-Eat Bulaga.

Don’t fail to watch soap gyud!

MAGSASAKA SA PUSO NI LENI ROBREDO   

SA imbestigasyon ng marahas na dispersal sa libo-libong magsasaka na nagrali sa Kidapawan City,   umapela si vice presidentiable bet, Naga congresswoman Leni Robredo na hindi dapat kalimutan at mas nararapat na tutukan ang tunay na dahilan ng inilunsad na protesta ng mga magsasaka — ang pagkagutom dahil sa kawalan ng aanihin bunsod ng epekto ng El Niño.

Para kay Leni, ang VP kahit pa sinong Presidente ang manalo, ay dapat aktibo at gumagalaw. Hindi dapat parang hinihintay lang mamatay o may mangyari sa presidente bago gagalaw.

Mas magaling din sana kung ang Team Daang Matuwid ang mananalo, ngunit pag hindi pinalad, dapat daw ang VP ay malaki ang papel sa gobyerno.

Para kay Robredo, sa halip magturuan ng sisi kung sino ang may pananagutan sa madugong insidente, mas mahalagang unahin ang pangangailangan ng mga magsasaka.

“Huwag muna natin intindihin ang mga akusasyon. Mas mahalaga rito, tugunan ang kanilang mga hinaing upang maipakitang may ginagawa ang pamahalaan para sa kanila,” giit ni Robredo.

“Ang pinakabuod na problema ay marami na tayong kababayan sa Mindanao at malamang sa iba pang mga lugar ng bayan, na naghihirap at nagugutom  dahil sa El Niño. Hinihingi natin sa ating pamahalaan na agad-agad tukoyin ang mga lugar na kailangan solusyonan, tulad ng pagpadala ng bigas at relief goods, cloud seeding at sa nangangailangan pa, ang irigasyon,” ani Robredo.

Si Robredo ay dating naging bahagi ng non-government group na SALIGAN o Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal na nagbigay ng libreng legal assistance sa Sumilao Farmers na nagmartsa patungong Metro Manila mula Mindanao para hilinging pigilan na mai-convert ang 147-ektaryang lupain sa kanilang lugar patungong hog farm.

Naging matagumpay ang legal na laban ng mga nasabing magsasaka katuwang ang Saligan na kinabibilangan ni Robredo makaraang ipawalang bisa ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang conversion order sa lupain na naging dahilan para maibalik ang land ownership sa 55 miyembro ng Higaonon tribe farmers o Sumilao farmers.

Naging katuwang ni Robredo sa kaso ng Sumilao Farmers ang yumaong asawa na si dating Naga City Mayor Jesse Robredo.

Katunayan, nang makarating sa Naga City ang martsa ng Sumilao Farmers sa kanilang lugar noong November 2007, sinalubong sila ng marching band at nagpasa ng resolusyon ang Naga City Council para suportahan ang mga magsasaka ng Sumilao.

Determinado si Congresswoman Leni na bitbitin at ilaban sa pagpasok niya sa politika at pagsabak sa Vice Presidential Race ang mga magsasaka para maituloy ang nasimulan nila ng kanyang asawang si Secretary Jesse.

Katunayan, kasama sa mga isinusulong niyang panukala ang pagbuo sa Agrarian Reform Commission na ang layunin ay imbestigahan ang pagpapaikot at paglabag sa Comprehensive Agrarian Reform Law.

Ipinursige rin niya bilang flagship program ang Partnership against Hunger and Poverty Program sa Third District ng Camarines Sur na 13 grupo ng mga magsasaka ang kanilang katuwang.

Sa ilalim ng programa, bibigyan ng insentibo ang mga magsasaka gaya ng subsidiya at farmer implements.

Bilang kapalit, ang 30 percent ng suplay na kailangan para sa feeding program ay bibilhin mula sa ani ng mga magsasaka.

Sa ganitong paraan, magkakaroon ng regular na kita ang mga magsasaka.

Sa loob lamang ng anim na buwan noong 2015, ang programa ay nakapag-produce ng mahigit 500 kaban ng bigas at 7,000 kilo ng iba’t ibang klase ng gulay.

Kaugnay ng problema ng mga magsasaka sa Mindanao na dumaranas na ng gutom, mahalaga umano na manguna sa paghahanap ng solusyon ang DSWD at lokal na pamahalaan.

Para kay Leni, gaya ng paniniwala ng kanyang asawang si Jesse, mahalaga na sa grassroots level pa lamang ay masolusyonan na ang mga hamon.

Gituod gyud!

CLASSROOM SUPER STAR NG EAT BULAGA SUMMER CLASS ON TV

Habang bakasyon ang mga bata sa kanilang school ay isang segment na summer class on TV ang handog ng Eat Bulaga na tinawag na  CLASSROOM SUPER STAR. Bukod sa mas lalawak ang kaalaman ng mga sasali rito ay puwede pang manalo ng 15K pataas.

Labanan na pang school ito na kapag nakakuha ng score na 3 points ay pasok na sa jackpot round.

Sa first round ay puwedeng magkamit ng 15K at kung sino ang maglalaro sa jackpot round at masagot nang perfect ang five questions ay magkakamit ng 25K dahil bawat tanong ay may katumbas na P5,000.

Kahapon, nagpakitang gilas ang estudyanteng si Sam na nakapag-uwi ng 35K at ‘yung mga hindi nagwagi ay tumanggap naman ng consolation prize na 5K.

Puwedeng sumali rito ang mga batang lalaki at babae na nasa unang baitang ng elementarya. Tatlong contestant ang maglalaban-laban daily.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *