Friday , November 22 2024

Trash Villains sa Makati timbog kay Mayor Kid Peña

Kamakalawa, huli sa akto, mismo ni Mayor Kid Peña ang mga binansagan nilang trash villains.

Maliwanag na sabotahe ang ginagawa ng mga nadakip na kinilalang sina Jason Direro, 23, Emerson Grant, 18, at Romeo Sapurgo, 57, pawang mga residente ng Makati.

Mismong ang Makati Public Safety Department (MAPSA) ang dumampot sa kanila at nakahuli na ang mga basurang ibinababa nila mula sa isang closed van (PLB 528) ay ikinakalat nila sa Kalayaan Avenue sa kanto ng JB Roxas St., sa Brgy. Olympia, nitong Linggo dakong 11:55 p.m.

Nasa kustodiya na ang tatlong suspek ng Makati City police at nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings nitong Lunes ng hapon dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 2003-095, o ang Makati Solid Waste Management Code.

Hindi pa malinaw ang motibo ng mga suspek, pero naniniwala si Mayor Kid Peña na ang ginagawa nila ay utos ng ilang katunggali niya sa politika.

Patuloy kasing pinapuputok ng kanyang mga kalaban at isinisisi sa kanya ang mga bunton ng basura na nagkalat sa kalye.

‘Yan daw kasi ang tampok sa talumpati ng mga katunggali niya.

Inaasahan ng kampo ni Peña na isa lamang ito sa mga senaryo na lalamanin ng isang magasin na nakatakdang ilathala ng kanilang katunggali, na pinamagatang “Bigong Maka­ti.”

“Sisikapin nilang ilarawan ako bilang isang pabaya at walang kwentang lider, ngunit malinaw na ito ay tahasang pananabotahe,” sabi pa ni Mayor Kid Peña.

Sa unang araw ng kanyang pag-upo bilang acting mayor ng Makati, layon na niyang isulong ang kalinisan sa buong lungsod. “Sa katunayan, nakapag-deploy na kami ng mga karagdagang trak upang kolektahin ang basura sa iba’t ibang bahagi ng lungsod,” dagdag niya.

Pinasalamatan ni Mayor ang kanyang chief of staff at sa mga mapagmatyag na residente ng iba’t ibang barangay ng lungsod na agad ipinagbigay-alam ang insidente sa mga kinauukulan.

At para hindi na maulit ang nasabing mga pangyayari, at upang mapanatiling malinis ang Makati, hinihikayat niya ang mga residente na kaagad i-report ang mga ganitong pangyayari sa pamamagitan ng emergency hotline 168 o sa trunkline 870-1101 to 03.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *