Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miting de Avance ng mga kandidato

SA mga gagawing miting de avance ng mga kandidato ng iba’t ibang partido para sa darating na May 9 elections, dito makikita ang dami ng supporters ng bawat partido, pero ‘di nangangahulugan na mag-i-straight vote ang mga botante, dahil kanya-kanyang manok ‘yan.

***

Naririyan ang siguradong hakutan ng mga botante, sa pangunguna ng mga Kapitan ng Barangay na tiyak may pangakong ‘incentives’ sa mga sasama, sayang nga naman, pambili rin ng bigas! Karaniwan na itong trabaho ng mga kandidato, meron nga riyan talagang gumastos , pero TALO! Kinuha lamang ang perang ibinayad sa kanila!

***

Kanya-kanyang strategy ang mga politiko, para masabi na maraming ‘audience’ ang miting de avance na gagawin. Pero teka… sa lungsod ng Pasay, tamad ang mga botante na dumalo sa mga pa-miting ng mga kandidato, wala raw kasing ‘pakain.’ ‘Di ba dapat ang supporters, kapag loyal kahit magutom? Uso pa ba ‘yon?

Government Hospital sa District II ng P’que

May plano ang administrasyong Edwin Olivarez na muling magtayo ng isang government hospital sa Distrito II, sa Barangay Don Bosco ng lungsod, upang sa gayon ay magkaroon ng matatakbohang ospital ang mahihirap na taga-Parañaque… wala akong masabi sa administrasyong Olivarez!

Mutli-Level Commercial Complex sa Baclaran

Heto pa ang isang magandang balita sa mga madalas magsimba sa Redemptorist Church ng Barangay Baclaran, dahil nakatakda nang itayo ang isang Commercial Center sa nasabing lugar. Ang dalawang palapag ang ookupahan ng mga vendor nang sa gayon ay hindi na sila pakalat-kalat sa mga bangketa. Sigurado na marami ang mawawalan ng kita, sa planong ito ng administrasyong Olivarez, siyempre, unang-una na ang ‘kotongan’ sa vendors, dahil lahat  ng vendors ay magbabayad ng kanilang buwis na ang kikitain ay papasok sa kaban yaman ng lungsod. Magsisimula ang konstruksiyon sa Quirino Ave., paliko sa Redemptorist Road, kaya asahan na magiging maluwag na ang kalye ng Redemptorist Road, dahil mawawala na ang nakahambalang na vendors. Walang gagastusin ang local government, dahil pribadong sektor ang mamumuhunan, ang prosesong ginamit ng administrasyong Olivarez ay Public Private Partnership Scheme.

Droga sa Cavite City LAGANAP

PATULOY na naglipana ang ilegal na droga sa Cavite City, at patuloy ang patayan kaya maraming natatagpuang patay  sa iba’t ibang barangay ng nasabing siyudad, ang mga pinapatay ay maliliit na drug supplier na hindi nakapagre-remit ng pera sa mga nagsusuplay sa kanila, kung tagabenta ang mga pinapatay, bakit buhay na buhay ang malalaking supplier?

Sa aking impormasyon, maaga nang natutulog ang mga residente sa nasabing siyudad, dahil ang mga ‘killer’ na armado ng AK-47 ay walang pakialam kung makadamay o makatama sila ng stray bullets!

Ani ang GINAGAWA NG PULISYA?!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …