HUWAG na tayong magulat kung maraming politiko ang naghanda ng venue para makapaghandog ng libreng panonood ng Pacquiao-Bradley fight ngayong araw (Abril 10, 2016 sa ating bansa).
As usual sa MGM Las Vegas gaganapin ang laban. Habang ang buong mundo ay nag-aabang sa pay per view.
Tinatayang mag-uuwi si Manny Pacquiao ng US$20 milyones habang US$6 milyon naman kay Tim Bradley.
Ang mainit na pinag-uusapan sa labanang ito, kung ito na nga ba ang huling laban ni Manny?!
O muli pa siyang hihirit?!
Sa balita, llamado na naman si Manny kaya’t maraming Pinoy ang gustong mapanood ang laban na ito.
At habang nakikipagbugbugan si Pacquiao kay Bradley nakikita natin ang nanggigigil na si Madam Kim Henares ng Bureau of Immigration (BIR) na may lapis sa tenga habang kinukuwenta sa kanyang calculator na sinlaki ng tablet kung magkano ang ipapataw na buwis sa pag-uwi ni Pacman.
Pero sana sa pag-uwi ni Manny, tulungan na natin siyang magdesisyon, lalo na ng mga taga-Saranggani…
Makapagdesisyon na sana siya kung ano ba talaga ang gusto niya.
Magboksing o maging mambabatas?!
Kaya na ba niyang isakripisyo ang ilalaman sa bulsa ni Mommy D. at ni Jinkee?!
O ang mamamayan na bumoto sa kanya ang kanyang isasakripisyo?!
Pong Pagong ng Batibot pakikantahan nga si Manny ng… “Piliin, piliin kung alin, kung alin…”
Baka sakali, si Pong Pagong ang makapagturo kay Manny kung ano ang kanyang prayoridad bilang mambabatas na pinasusuweldo ng sambayanan.
At pagkatapos ng laban, makapangampanya pa kaya si Pacman?!
O sinagot na ni PacMom ang pangangampanya?!
Ay ambot!