Friday , November 22 2024

Mag-ingat sa pagkuha ng franchise sa Jollibee

MUKHAng si Kris Aquino lang ang happy sa lahat ng franchisee ng Jollibee.

Sa panahon kasi ngayon, si Kris A., lang ang hindi puwedeng agrabyadohin ni Tony Tan Caktiong…

Pero ‘yung ibang franchisee, puwedeng-puwede niyang ‘bastusin’ nang harapan gaya ng karanasan ng isang long time franchisee ng Jollibee sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Alam naman nating lahat na hindi na nag-iisa ang Jollibee sa apat na terminal ng NAIA sa Metro Manila (T1, T2, T3).

Dati, ang nag-iisang Jollibee ay nasa parking  area sa Arrival area ng NAAI T1. Hanggang nga-yon naman ay nariyan pa rin ang Jollibee na ‘yan.

Hanggang makapasok ang ‘iba’ — ibang franchisee (but owns most of the food kiosks in NAIA terminals as concessionaire)!

At ngayon ay biglang nagbukas ng isa pang Jollibee sa dating puwesto na kanyang inuupahan sa loob ng T1 departure area na parang sinampal ang Jollibee long time franchisee sa ibaba ng arrival parking area.           

Wattafak!?

Katas ba ng ‘WOW’ ‘yan?! O katas ng NAIA concession king at Kamaganak Inc.?!

Mayroon din Jollibee sa NAIA Terminal 3 na siya pa rin ang pinagpalang concessionaire at isa pa sa NAIA Terminal 2.

Wakanga!!!

How blessed you are, mister pinagpalang concessionaire Wong! Wow na wow ka talaga!

E ano na palang mangyayari kay Jollibee ‘long time franchisee?’

Biglang nadehado ang kanyang negosyo?! Original siyang franchisee sa T1, bago ngayon biglang tinapatan ng Jollibee management ang kanyang negosyo!

Ganyan ba magnegosyo at magtrato sa kanyang kliyente at franchisee ang Jollibee!?

Tsk tsk tsk…

Alam n’yo ba kung ano ang nakikita ko nga-yon sa aking isip?

Hawak ni Mr. Tony Tan Caktiong ang isang malaking aso (may mukha ni Jollibee), naglalaway at nakalabas ang pangil, namumula, nanli-lisik at tila lumuluwa ang mga matang korteng WOW, umuungol habang  nagtatangkang  nga-sabin ang isang drumstick ng chicken joy…

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *