Friday , November 22 2024

Congratulations deserving local gov’t luminaries & awardees of Meralco

NATUWA naman tayo na tatlong local chief executives na sinasaludohan natin ang nakabilang sa 2016 Meralco Luminaries nitong Marso 8 (2016).

Unang-una na riyan si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ikalawa si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos at siyempre si Mayor Rey San Pedro ng City of San Jose del Monte, Bulacan.

Sabi nga ni Meralco President and CEO Oscar S. Reyes, “We are all agents of innovation and change — sustained change for a brighter Philippines and a brighter future for all.”

And yes, these three chief executives are really agents of change.

Malaking pagbabago ang isinulong nila sa kani-kanilang lungsod at naging ambag nila sa pag-unlad ng kani-kanilang lungsod.

Si Parañaque city Mayor Edwin Olivarez ay nagsulong ng makatuwiran at makatarungang koleksiyon ng buwis na malaki ang naitulong para sa mga programa at proyektong pangkalusugan, edukasyon at pabahay na pinakikinabangan ng mga mamamayan ng Parañaque.

Gayon din, tiniyak ni Olivarez ang pagpapatatag ng peace and order sa lungsod dahil sa mga napapabalitang pamamayagpag ng akyat-bahay gang sa ilang subdibisyon.

Ngayon, hindi na kailangan dumilim muna bago mapansin ang ‘luminosity’ ng lungsod dahil pirmi nang maliwanag sa pamumuno ni Mayor Edwin Olivarez.

Sa Mandaluyong, pinananatili ni Mayor Benhur ang katahimikan at kaayusan ng lungsod dahil alam naman natin na ang lungsod ay isa sa hi-end commercial and financial district sa bansa.

Narito rin ang pamosong Wack Wack, isang hi-end place not only for rich and famous but also for foreign visitors too.

Kung mayroon mang mga insidente ng krimen ay maliit na bilang dahil sa mahigpit na utos ni Mayor Benhur sa pulisya na pantalihin ang peace and order.

Sa City of San Jose del Monte na pinamumunuan naman ni Mayor Rey San Pedro, pinaniniwalaang ito ang lungsod na mag-uugnay ng kaunlaran para sa Caloocan City at sa Quezon City.

Hindi po ninyo naitatanong, bukod sa Star Mall ng mga Villar na paboritong pasyalan ngayon ng mga San Joseño, under construction sa lungsod ni Mayor Rey ang SM City CSJDM, ang theme park ng ABS CBN, at ang housing project ng Ayala.

Naroon na rin ang isang ospital na affiliated sa St. Luke’s Hospital at isa pang ospital under Ayala QualiMed.

At kung hindi rin tayo nagkakamali, uumpisahan na sa papasok na taon ang MRT 7 sa Tungkong Mangga.

Truly, the City of San Jose del Monte, under the leadership of Mayor Rey San Pedro has started to arrive to its brighter future.

Kaya naman sa constituents ng mga lungsod ng Parañaque, Mandaluyong at City of San Jose del Monte sa Bulacan, baka naman po magkamali pa kayo sa inyong isusulat sa inyong balota sa Mayo 9…

Please lang, huwag na po kayong mag-ekspiremento, doon na kayo sa genuine at subok na ninyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *