Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, pinaglalaanan ng pera ang mga batang may cleft palate

HINDI napigilan ni Kathryn Bernardo ang maiyak nang batiin siya personally ng mga tinulungan niyang batang may cleft palate.

Si Kathryn ang ambassadress ng NOORDHOFF Craniofacial Foundation Philippines. Sa party  sa kanya sa KFC recently ay isa-isang nagbigay ng roses ang mga batang natulungan niya, bagay na nakapagpa-iyak sa kanya.

Nalaman namin kay Kathryn na talagang pinaglalaanan niya ng pera ang mga batang may cleft palate.

For her, ang 20th birthday celebration niya with the kids with left palate ay ang pinaka-memorable party niya this year.

“Sa suporta, kapag may extra (money) ka para sa mga bata para matulungan  mo sila sa operation  at sa maintenance. Ang ginagawa namin, every time na may bagong endorsement, may dalawang bata o isang bata na bibigyan namin ng help. Sa isang soap opera, may ilang bata na ‘yung pondo niyon ay sa kanila. May deal kami ng mommy ko noon,” she related.

Now that she’s turned 20, ano ang mga nabago sa kanya?

“Sabi ko nga parang number lang ‘yung nagbago. Ganoon pa rin. Ini-enjoy ko lang. Ang feeling ko ay ang dami kong natutuhan noong 2015 and excited ako sa mga nangyayari ngayong 2016.

“Siguro ‘yung alam ko na ‘yung gusto ko sa ayaw ko, alam ko na ang tama sa mali. Siguro ‘yung pag-handle sa mga bagay maturely kasi 20 na ako now,” say niya.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …