Monday , December 23 2024

Pabaya ‘este’ Abaya hindi na dapat maulit sa gobyerno!

ANG gobyerno ni PNoy ay isang nakadadalang gobyerno.

Noong bago siya mahalal, marami ang umasa na si PNoy ay mag-iiwan ng  mahalagang legacy lalo na noong ideklara niya na walang ‘WANGWANG’ at ‘KOTONG’ sa DAANG MATUWID.

Siyempre, sa simula ay maraming naniwala at umasa.

Pero por diyos por santo santito!

Saan naman kayo nakakita ng pamahalaan na walang plaka ang mga sasakyan, walang sticker at higit sa lahat nagda-drive ang mga driver nang walang lisensiya?!     

Dahil resibo lang ang dala…

‘Yung PVC nga na lisensiya kayang-kayang gawin sa C.M. Recto Ave., ‘yun pa kayang resibo lang?!

At walang magawa ang sambayanan.

Bumabaha ang iba’t ibang uri ng sasakyan sa bansa pero kapag inire-histro sa Land Transportation Office (LTO), walang kahit ano?!

Ang palpak na serbisyo ng LRT-MRT na hindi lang once, twice kundi multi-multi ang kapalpakan.

 ‘Yan ba ang maipagmamalaking mass transportation (railway system) sa ating bansa?

Walang maayos na escalator, elevator at kubeta!?

Ilang beses na bang nanganib ang buhay ng mga pasahero sa pagbiyahe sa pamamagitan ng MRT?!

Not once, not twice…but multi-incidents!

At saan naman kayo nakakita ng BROWNOUT sa isang international airport, isang vital installation sa isang bansa pero walang pinanagot na opisyal?!

Ilan kompanya ng eroplano ang nalugi sa brownout na ‘yan?!

Ilan pasahero ang naprehuwisyo sa brownout sa T3?!                    

Iyan ba ang gobyerno ni PNoy!?

Ang sabi ng palasyo, pinagsabihan na ni Pnoy si Abaya at Honrado na huwag na raw maulit ang ganitong insidente.

Parang awa na po, kung sino man ang mauupo sa susunod na administrasyon, huwag na po natin ULITIN si DoTC Secretary Jun Pabaya ‘este’ Abaya.

Certified genius pero walang kakayahan kung paano ilalapat sa lupa ang kanyang mga kaalaman…

Certified mathematician pero hindi makabuo ng tamang formula kung paano lulutasin ang problema ng trapiko at kung paano pabibilisin ang napakakupad na internet sa bansa.

Certified military science expert ‘ala Heneral Antonio Luna pero hindi kayang labanan at ares-tohin ang mga lumilikha ng problema sa railway system ng bansa.

Tsk tsk tsk…poor genius!

Ang daming palpak sa gobyernong PNoy pero lutang na lutang ang kapalpakan sa ahensiyang pinamumunuan ni Abaya.

Pakiusap lang po, huwag nating ‘pabayaan’ na muli pang makapuwesto si Abaya o ang kagaya nito.

Huwag po tayong maging instrumento ng malalang pagpapabaya ng isang government official na inakala nating magserserbisyo nang tama dahil sa kanyang dunong.

Hindi na dapat ulitin si Abaya sa gobyerno!                          

‘False’ Pulse Asia survey gimik ng mga politiko

KANYA-KANYANG gimik na ang pumuputok mula sa iba’t ibang kampo ng mga presidentiable.

Ang pinakahuli, ang survey umano ng False ‘este’ Pulse Asia na nag-number one sa survey si Digong Duterte.

Pero mabilis na itinanggi ng survey firm ang nasabing survey.

Mismong si Ronald Holmes, pangulo ng Pulse Asia Research Inc., ang nagsabing hindi sila nagpa-survey nitong Semana Santa.

Meron naman ‘yung nilangaw na sortie umano ni Mar Roxas sa Hong Kong. Bigla pang may sumulpot na  overseas Filipino worker (OFW) na nakasuot ng Duterte T-shirt, ‘yun pala ay photoshopped?!

Kanya-kanyang praise ‘este’ press release, may mga gibaan ops (demolition job) pa na ang mga nag-o-operate ay ang mga self-proclaimed na righteous journalist?!

Nandiyan lang ‘yan sa tabi tabi…

Talaga naman ang mga supporter ng mga politiko, gagawin ang lahat ng pambobola masungkit lamang ang puwesto!               

Dats Pinoy politiks!

Nag-Boy Panic si BI-NAIA T1 Head Paul Verzosa

NA-SHOCK ang mga empleyado sa Bureau of Immigration (BI) main office sa Intramuros, Manila nitong nakaraang Lunes (Mar. 28) nang sumugod si Bureau of Immigration (BI)-NAIA T1 head Paul panot ‘este’ Verzosa na nagtatatarang at halos maglupasay umano dahil sa inilabas na REINSTATEMENT ORDER ng BI Office of the Commissioner para sa ilang Immigration Officers na biktima ng injustices ni Siegfred Mison.

Bigla raw kasing nagngangangawa si Paul Panot ‘este’ Verzosa dahil baka bigla siyang mapalayas sa kanyang puwesto bilang hepe riyan sa BI-NAIA T-1 kapag na-reinstate ‘yung dating hepe na pinag-initan ng pinatalsik na Immigration commissioner Miswa ‘este’ Mison.

At habang nagtatatarang at tila napapraning sa apat na sulok ng BI main office, kinuwestiyon umano ni Verzosa ang naging desisyon ni BI Comm. Ronald Geron.

Ano ba ‘yan?!

At parang nananakot pa raw si boy panic?!

Ang pakiramdam yata ni Verzosa ay private property niya ang kanyang puwesto sa NAIA T1.

Judgement call ni Comm. Geron ang ginawa niya dahil may precedent decision na ang Civil Service Commission sa mga kagayang kaso.

Kung may pagdududa si Paul Verzosa sa authority ni Comm. Geron, ‘e ‘di sampahan niya ng kaso!

Hindi ba’t ‘yan naman ang gustong ipakita ni Verzosa, na sanay siyang magdemanda?

Tumigil nga lang daw sa pagta-tantrums si Basura ‘este’ Verzosa  nang may magsabi sa kanya na…”Huminahon ka muna, kasi wala namang balak magpa-reinstate at bumalik sa Terminal 1 ‘yung pinalitan mo riyan. At ayaw na rin ma-assign no’ng tao sa airport.”

Butata!!!

As in supalpal na supalpal raw!!!

Btw, magkano ‘este’ ano ba kasing mayroon diyan sa BI-NAIA Terminal 1 at parang takot na takot mawala si Verzosa diyan!?

Mayrooon bang Yamashita treasure riyan?

May mawawalan ba ng mga ‘delivery’ diyan?

Bigla ka tuloy naging katawa-tawa sa mga kasamahan mo na nakakita ng mga pagtatatarang mo sa BI main office, boy panic a.k.a. Paul Verzosa!

Grabe pala nerbiyosin itong si Paul Verzosa?

Nahahalata ka tuloy, parekoy?!    

Huwag kalimutan ang pahirap sa mga vendors

SIR Jerry, ngtxt ho ako para ipaalala sa mga kasamahan kong kapwa vendor sa Maynila na wag kalimutan ang mga pahirap na dinanas namin sa kamay ng mga tao ni Erap. ‘Yan organized ‘tong’ vending at mga pulis sa Recto at Soler. Lalo na ‘yun gutierrez na sobrang pahirap sa amin. ‘Wag na tayong magpauto mga kasama! +639057172 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *