NA-BASH si Regine Velasquez recently dahil itinatanggi raw nitong nanggaling siya sa public school.
Sinagot ni Regine ang basher at sinabing hindi niya ikinahihiya ang kanyang pinanggalingan.
Matapos iyon ay nag-post ang Songbird ng message on how she handles bashers.
“Kapag tinatamaan ako ng konti, sinasagot ko. Hindi naman ako nakikipag-away. Most of the time also, ‘pag bina-bash nila ako mali ang information. So, kino-correct ko lang ang information. And then I also try to encourage them to use their voices to make people happy. To encourage people. Kasi mas maganda naman ‘yun kesa ‘yung you’re just out there typing bad things. Mas maganda ‘yung nakakapagpaligaya ka ng iba. Nakaka-inspire ka ng kapwa.”
‘Yan ang mensahe ni Regine.
Sa amin, dalawang bagay lang ‘yan. Kapag mali ang basher ay lait na katakot-takot ang aabutin niya sa amin. Kung kinakailangan ay mumurahin pa namin siya ng murang hindi niya natitikman sa tanang buhay niya.
Kapag naman tama siya ay mananahimik na lang kami.
UNCUT – Alex Brosas