Friday , November 22 2024

Japan Railway Mass Transportation malayong-malayo sa PH Railway System

ISANG kaanak natin ang nakaranas sumakay sa railway mass transportation sa Japan.

Hindi ito sa bullet train. Ordinary train lang.

Pero iba talaga ang naging impresyon niya sa railway system ng Japan.

Malinis, maayos at sistematiko.                

Walang delayed, nasa oras ang biyahe.

Ang mga mga escalator at elevator ay hindi ‘display’ dahil talagang umaandar at nagagamit ng mga pasahero.

Malayong-malayo sa railway system sa bansa na kulelat na kulelat kung ikokompara sa Japan.

Kunsabagay, Japan ‘yan, hindi India. Pero kulelat ba ang pagdating ng teknolohiya sa ating bansa para maging kulelat ang railway system natin?!

Hindi naman ‘di ba?

Bakit kaya hindi maisipan ni DOTC Secretary Jun Pabaya ‘este’ Abaya, na mamasyal sa Japan at aralin ang kanilang railway system na puwedeng ilapat dito sa ating bansa?!

Ang laki na nang nagagastos ng gobyernong Filipino sa railway system bakit hindi ayusin ng DoTC  nang sa gayon ay mapakinabangan ng mamamayan?!

Ang masama, hindi na nakapagseserbisyo nang totoo, namemrehuwisyo pa!

Ay sus Abaya!   

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *