Saturday , November 23 2024

Mabuhay si P/Supt. Olive Sagaysay

MARAMING natuwa nang linisin ni Manila Police District – Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU) chief, P/Supt. Olive Sagaysay ang illegal terminal sa Plaza Lawton.

Napatunayan at naipamukha ni P/Supt. Sagaysay sa madla na hindi  siya  tongpats sa illegal terminal sa Plaza Lawton na ino-opereyt ni Reyna L. Burikak.

Ayon sa ating impormante, parang asong ulol ngayong nagwawala si Reyna L. Burikak dahil apektado ang kanyang nasasalok na P.2 milyon cash araw-araw mula sa mga illegal terminal at mga kolorum na van pero namamasahero araw-araw.

Ganyan-ganyan din ang ginagawa noon ni Reyna L. Burikak kapag nasasaling ang kanyang interes. Nagwawala siya sa kanyang kural sa lumang building ng Lion’s sa Arroceros St.

Dahil alam niyang illegal ang kanyang gawain, ipanapapa-padlock niya kunwari ang pintong accordion pero nandoon siya sa loob at nagkukulong.

Sumisingasing sa loob ng kural sa Lion’s na animo’y mabangis na baboy-ramo.

Nitong nakaraang Biyernes ng umaga, nawala ang mga bus na kinokotongan ni Reyna L. Burikak para makaparada (kahit ilegal) sa Plaza Lawton.

Maliwanag na nabawasan ang kita ni Reyna L. Burikak sa loob ng isang araw dahil sa paglilinis na ginawa ng MPD-TEU.

Isang P/Supt. Olive Sagaysay pala ang tatapyas sa ‘sungay’ ni Reyna L. Burikak na nagpapahirap sa maliliit na driver at kasabwat ng mga kolorum na UV van ‘operators’ sa pagmamantina ng illegal terminal sa Plaza Lawton.

Maraming, maraming salamat P/Supt. Olive Sagaysay sa kasigasigan ninyong linisin ang Plaza Lawton laban sa mga nakikinabang na illegal operator.

Namutok na ang bulsa ni Reyna L. Burikak dahil sa kuwartang kanyang nasasalok diyan sa illegal terminal sa Plaza Lawton.

Kaya nga hindi na tayo nagtataka kung bakit maging ang tumbong ni Reyna L. Burikak ay parang barkong umuutot kapag nasasaling ang kanyang illegal terminal sa Plaza Lawton.

Traffic czar, P/Supt. Olive Sagaysay, nalilinis ninyong talaga ang Plaza Lawton sa umaga pero tuwing hapon, BSDU sila as in ‘balik sa dating ugali.’

Batid nating hindi mabilis ang pagpapalayas sa mga ilegalista, pero malaking bagay na naitataboy ni P/Supt. Sagaysay ang mga sinisipsipan ng pawis at dugo habang ang iba ay ginagatasan para masustina ang mga kapritso ni Reyna L. Burikak.

Mabuhay ka P/Supt. Olive Sagaysay!

PS: Sudsurin n’yo na rin ang illegal parking sa Magallanes Drive sa Intramuros dahil pinagbibintangan rin kayo ni Reyna L. Burikak na tongpats kayo kaya hindi raw nagagalaw.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *