NAKATUTUWANG pakinggan ang kuwento ng magpinsang Mikay at Kikay.
Over lunch at the Kamay Kainan, nagkaroon ng mini-presscon para sa dalawang bagets as they revealed kung may mga pagkakataon din bang nagkakatampuhan sila over their individual preferences.
“Mayroon din po,” mahiyaing pag-amin ni Mikay, ”Like ako po, may gusto akong pinanonood sa ABS-CBN, pero si Kikay naman, mas gusto sa GMA.”
Yes, kung may raging network war ay mayroon din pala ang magpinsang ito. Pero ang magandang kinalabasan, kapwa certified Viva artists na sina Mikay at Kikay. At hindi magtatagal ay mapapanood sila sa TV5 via Carlo J. Caparas’ Ang Panday.
Bilang paghahanda kung anuman ang kanilang magiging papel sa nasabing fantaserye as promised by Boss Vic del Rosario himself ay sasailalim muna sa acting workshop sina Mikay at Kikay.
At the same time, Mommy Dianna has to make sure na hindi magiging sagabal sa kanilang pag-aaral ang taping schedule ng Ang Panday.
Will Mikay and Kikay play Alonzo Muhlach’s playmates sa kasalukuyang panahon? Imposible namang magkaroon ng love triangle ang mga bagets, ‘no!
( RONNIE CARRASCO III )