INAMIN na ni Mark Neumann na siya ang guy sa isang sex video na naging viral sa internet.
“All I can do for that person who did it to me, parang without my consent, not knowing anything, parang kaawaan ka ng Diyos, si Lord na ang bahala sa ‘yo. I mean, it was my fault naman din, both faults. Pero siyempre, fault niya for spreading it, ‘di ba?” say niya sa isang recent interview niya na lumabas sa PEP.ph.
Nainterbyu si Mark sa set ng Tasya Fantasya na siya ang leading man ni Shy Carlos. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at sinabing isang girl ang kumuha ng sex video niya. Inamin niyang nagkamali siya sa pagpayag na makunan ng sex video pero nagkamali rin ang girl sa pagpapakalat nito sa social media.
Ang basa ng marami, ex-girlfriend ni Mark ang kumuha ng sex video niya.
UNCUT – Alex Brosas