MISMONG si Boy Abunda ang nagsabi sa kanyang TV show na two to three months lang palang mawawala si Kris Aquino sa limelight.
Marami kasi ang nag-akalang isang taon o mahigit pa mawawala ang Queen of Talk sa showbiz. Marami rin ang nagsabing gimik lang niya ito at hindi magtatagal ay babalik uli.
Health reasons ang dahilan ni Kris sa pansamantalang pag-alis sa showbiz. Hindi na yata niya carry ang magdamagang puyatan sa taping. Parang stressed na stressed siya kaya naman tumataaas ang blood pressure niya.
Itsinika ni Kris sa kanyang social media account na may aasikasuhin siyang business and now she can do it on her most convenient time.
Anyway, nagpo-post si Kris ng photos sa kanyang social media account at ang huling post niya ay kuha sa play ni Bimby with this caption, ”I so want to post the video of Bimb singing & dancing, “Ease On Down The Road” from his school’s year end presentation of The Wiz- but I realize I need to respect the privacy of his schoolmates. My cowardly lion as always made my heart swell w/ pride. #COURAGE
Good Night.”
UNCUT – Alex Brosas