Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Story of Us, mainit na tinanggap sa mga tahanan

00 SHOWBIZ ms mKAAGAD inulan ng papuri ang teleseryeng pinagbibidahan nina Kim Chiu atXian Lim, ang The Story of Us na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Dolce Amore sa ABS-CBN.

Ayon sa balita, nagustuhan ng netizen ang kuwento at magagandang eksena sa bagong Kapamilya teleserye. Bukod kasi sa mabilis ang takbo ng istorya, napakaganda ng El Nido, Palawan na ipinakikita sa istorya. Damang-dama rin daw ang emosyon sa bawat eksena hatid ng iba pang bida rito na sina Aiko Melendez, Susan Africa, Gardo Versoza, at Zsa Zsa Padilla.  Kahit ang mga batang nagsipagganap sa papel nina Macoy at Tin na sina Zaijian Jaranilla at Alyanna Angeles ay lumitaw ang husay sa acting.

Marami rin ang pumuri sa director ng serye na si Richard Somes dahil sa mahusay na pagkakalahad ng istorya.

At ang pinaka-nagmarka sa mga manonood ay ang sina Kim at Xian, na agaw-pansin ang kakaibang atake sa kani-kanilang dramatic roles na ibang-iba sa mga papel na nagampanan na nila noon.

Ayon nga kay Kim, walang Pinoy ang hindi makare-relate sa istorya ng The Story of Us, ”Walang kahit sinong hindi makare-relate rito sa kuwento. Kahit sino, alam mong napagdaanan nila ‘yun.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …