Saturday , November 23 2024

Alamin kung sino ang tunay na “McCoy?”

NAG-IBA na ang tinatarget sa panibagong anggulo ng mga imbestigador kaugnay sa palaisipang pagpatay sa isang-taon gulang na bata at sa kanyang 29-anyos na ina, kapwa natagpuang pinaslang sa loob ng kanilang tahanan sa Sta. Rosa City, Laguna kamakailan.

Hanggang sa kasalukuyang ay unsolved pa rin ang twin-rob murder case dahil wala pa rin nahuhuling suspects ang pulisyang nag-iimbestiga sa krimen. Iyan ay kahit may itinuturo at sinusundang bagong dalawang suspects ang Sta. Rosa City, Laguna police station.

Habang iniimbestigahan ang krimen, pormal nang lumutang at nakipag-ugnayan sa Philippine National Police ang tunay na may-ari ng photo ID na na-recover sa scene of the crime.

Nilinaw ng isang electronics communication engineer na larawan nga niya ang nasa identification card pero hindi siya si David dela Cruz. Na hacked umano sa kanyang files ang nasabing retrato.

Nang maging laman ng iba’t ibang pahayagan, TV at radio ang masaklap na kamatayan ng mag-ina, nauna nang itinanggi ng Globe telecommunication na hindi nila empleyado ang nagngangalang David dela Cruz na isinasangkot ng pulisya sa krimen.

Binigyan-diin ng kompanya na fake o bogus ang ginamit na ID ng suspect.

Bilang isang dating beteranong police field reporter, magkakaroon lamang ng liwanag ang naganap na krimen kung ang dalawang bagong itinuturong suspects ay mahuhuli ng crackteam ng Sta. Rosa City, Laguna police o nang ibang ahensiya pa ng pamahalaan.

Ang panalangin natin matunton sana ng pulisya kung sino ang tunay na ‘McCoy,’ ang nagplano, ang pumasok, nanloob at pumatay sa mag-ina.

Muntinlupeña gets free beauty services

CHAMPIONING the women in celebration of the Women’s Month this March, the local government of Muntinlupa, through Gender and Development (GAD) Office launches free beauty services for all Muntinlupeña starting in Muntinlupa City Hall Quadrangle, Tuesday morning.

The Women’s Day-Out Caravan will be conducted in five barangays in the city giving free manicure-pedicure, foot spa, haircut, hair dye, hair spa, and reflexology for the women.

GAD program director Trina Biazon said that the caravan aims to give pampering services that the women constituents deserve for their selfless work in their families and in the society. Biazon added that a lot of activities has been prepared in celebration of this year’s Women’s Month with the theme “Kapakanan ni Juana, Isama sa Agenda.”

The City Government will go to the following venue for the caravan: Southville 3 Covered Court in Poblacion (March 9), New Bayanan Health Center (March 11), Alabang Elementary School (March 12), Tunasan Covered Court (March 14) and in Cupang Pavilion (March 17).

A talk on work life balance entitled Working Moms was also given to women employees of Muntinlupa LGU to empower them how to be productive in the workplace while having the sense of fulfillment in their respective families.

Thousands of women are also expected to join the Women’s Congress in March 19 at the Filinvest Tent, Alabang wherein women’s organizations will converge and hold a program to promote women empowerment and women’s rights.

Mayor Jaime Fresnedi encourages locals to participate in the caravan and other activities prepared by the Gender and Development Office.

The mayor promotes gender sensitive programs and women empowerment in Muntinlupa.

To know more about Muntinlupa LGU’s programs in the celebration of Women’s Month, for more details you may visitfb.com/Muntinlupa-Gender-And-Development-Office.

Untouchable gambling den ni Nancy

MATINDI raw ang sumasangga sa pasugal na color games nina Nancy at Venus sa isang peryahan na nasa Golden Villas at Savemore sa Sta. Rosa City, Laguna.

Kaawa-awa ang mga manunugal na dinadaya ng mga peryante sa pasugal ng dalawang manang. Paging Supt. Reynaldo Maclang at Mayora Arlene Arcillas.

Sa Brgy. Buenavista sa Gen. Trias, Cavite, ilang araw nang nailatag ni Junjun Luna ang 6 mesa ng pasugal na color games at 2 mesa ng dropballs.

About Mario Alcala

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *