MARAMING kapatid sa panulat ang nagulat nang bumulaga sa kanilang harap last February 24, sa grand presscon ng bagong ABS-CBN teleseryeng We Will Survive nina Pokwang at Melai Cantiveros, ang Kapuso singer na si Jonalyn Viray at umawit ng theme song na I Will Survive.
At after nitong kumanta ay at saka ito ipinakilala bilang pinakabagong Kapamilya artist at may bagong screen name na Jona.
Ayon nga kay Jona, masayang-masaya siya bilang bagong Kapamilya. ”Siyempre po masaya kasi may mga naka-line up po na projects na gagawin.
“At least active po ulit, may aabangan ‘yung mga supporter ko na bago sa akin.”
Kinakabahan nga ito nang awitin an gang theme song ng We Will Survive bilang una niyang proyekto ito sa Kapamilya Network. ”Ay oo kinakabahan ako, sabi ko nga sa kanila sa backstage, but at the same time nag-eenjoy ako.
“’Yun nga nakakakaba kasi bagong environment, bagong tahanan.”
From Jonalyn Viray to Jona, ”Kasi Jona naman po is my nickname.
“Kaya nga excited na akong magtrabaho at makatrabaho ang artist ng ABS-CBN.”
Hindi ka ba nalungkot ng palitan ang name mo gayong ang dami nang naging achievement ng pangalan mong Jonalyn Viray?
“Hindi naman po tini-take ko siya as a challenge, kasi kapag may mga bago kang challenges na hinaharap parang nakadaragdag ng fuel sa system para mayroon kang ilo-look forward.”
Another album? ”Basta may naka-line up na mga project na hindi pa puwede i-reveal, secret pa po.”
Gaano kasaya si Jonalyn ngayon?
“Sobrang happy at sobrang thankful talaga.
“Kaya sa lahat ng mga taong hndi ako iniwan at laging nasa tabi ko lang maraming-maraming salamat po.
“Sa mga loyal supporter po, maraming-maraming salamat.
“At sa pamunuan ng ABS-CBN, maraming salamat po sa tiwala na ibinigay sa akin.
Ukol naman sa concert, ”Sa ngayon po wala pa naman kaming napag- uusapan pero tingnan natin in the future,” pagtatapos ni Jona.
MATABIL – John Fontanilla