Tuesday , November 26 2024

Solido pa rin ang kapatiran sa INC

MAHIGIT isang daang taon na ang relihiyong ito na itinayo sa Filipinas ng mga Filipino.

Iyong iba, dahil sa haba ng panahon, namamatay na lang. Ito naman, sinusubukang gibain, pero mukhang matayog pa rin na nakatayo.

Kaso, dahil sa kabi-kabilang paninira, totoo man o hindi, may panganib na baka ito raw ay humina?

Pero may pagkakataon din na baka ito ay mas lumakas pa.

Imbes magkawatak-watak, puwedeng ang mga miyembro nito ay higit pang magiging solido at matibay.

May mga nagsasabing marami ang magsisialisan sa kanilang relihiyon? May mga nagsasabing nagsimula na ang katapusan ng pangangasiwa ng isang pamilya sa milyon-milyon nilang parokyano? May mga nagsasabing maghihiwalay ang isang malaking bahagi ng grupo para bumuo ng panibago?

Pero ang nababalita sa mga pahayagan kamakailan, ang walang humpay na pag-imbulog ng mga proyekto at programa nila na tumutulong sa mahihirap, hindi lamang para sa kanilang mga kasapi, kundi maging sa marami sa ating mga kababayan na tila nakaligtaan ng biyahe sa pag-unlad.

LINGAP yata ang tawag nila doon.

‘Di pa kasama sa mga balitang ito ang pagbubukas ng isa na namang bagong non-profit hospital na dagdag pa sa dati nang naninilbihan na non-profit hospital at university na marami nang branches. Bukas pala sa lahat at ‘di lang para sa kanilang mga miyembro o kasapi.

‘Di pa rin kasama sa mga istoryang ito ang tahimik na pag-ulan at pagbaha ng mga miyembro na pumapasok sa mga ministerial schools. Ang dinig pa nga natin hindi lang sa Filipinas may ministerial schools. Meron na rin sa lima pang ibang bansa.

Ang hindi lang talaga masabi, pero ito ang inside info, ayon sa mga opisyal ng simbahan, dumoble na ang kanilang numero sa buong mundo sa ilalim ng pangkalahatang pangagasiwa ng kanilang pinuno.

Ano ba talaga ang totoo?

Ipagdasal na lang natin ang tila ‘di pagkakasundo ng magkabilang panig.

Sana’y wala na ring outsider na nakikialam para sa mga personal at pampolitikang interes sa IGLESIA NI CRISTO!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *