Saturday , November 23 2024

Upak kay Bongbong wa epek (Tandem ni ‘sister’ Grace iiwanan sa survey)

00 Bulabugin jerry yap jsyNALULUNGKOT tayo na ang pinakamasakit na bahagi ng kasaysayan sa pakikibaka ng sambayanang Pinoy ay nagamit ng ilang bayaran at reaksiyonaryong kaliwete sa kanilang kampanya para upakan si vice presidential bet, Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Hindi natin alam kung organisadong hakbang ang ginawang kampanya ng mga reaksiyonaryong kaliwete o ito ay bahagi ng sinasabing ‘P70-M unholy alliance’ kay Chiz.

Mukhang napurol nang talaga ang mga ex-kaliwa dahil tuluyan na silang nagamit sa ‘bulok’ na pamomolitika.

Kung tutuusin, napakahaba ng ginawa nilang ‘build-up preparation’ para ilugmok ang tinatawag nilang anak ng diktador pero nang lumabas ang  survey ng Pulse Asia, wa epek pala, as in bokya ang kanilang mga effort.

Naman!

Itinuturing na ngayong statistically tied sina Bongbong at ang tandem ng kanyang ‘sister’ Grace sa 29 over 26 percent na resulta ng Pulse Asia Survey.

Pero ang malupit, sa bahagdang ito, ang 29 ng katunggali ni Bongbong ay bumagsak ng 6 porsiyento mula sa dating 33 %.

Habang ang kay Bongbong na 26 percent ay sumisirit sa dagdag na tatlong bahagdan.              

Hindi first time na nangyaring statistically tied si Bongbong  at ang kanyang katunggali.

Nangyari na rin ito noong Disyembre at ang trend ay nadadagdagan siya ng puntos habang ang kalaban ay nalalagasan.

Matatandaang sa Social Weather Station survey nitong Pebrero 5 hanggang 7, tumabla na rin si Bongbong sa kanyang kalaban. Nakakuha si Bongbong ng 26 percent kapantay ni Escudero.

Kung susuriin, si Bongbong ang gainer dito at si Escudero ang loser. Bumaba si Escudero ng dalawang puntos habang umangat naman ng isang punto si Bongbong.

Ibig sabihin, kahit pintasan man nang paulit-ulit ni PNoy na ipinaayos o pinakulayan ni Bongbong ang kanyang buhok, walang epek ‘yan sa masa.

Sa madaling sabi, habang gainer si Bongbong sa huling survey, ang kanyang katunggali ay loser.       

Ang survey ay ginawa nitong Pebrero 15 hanggang Pebrero 20, kung kailan kasagsagan ang upak sa kanya dahil ikinakabit siya sa batas mi-litar.

Ito ‘yung panahon na naghahanda ang administrasyon para sa ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power. Full swing ang banat kay Bongbong at sa pamilya Marcos.

Araw-araw ay may upak ang administrasyon, ang mga makakaliwang grupo, ‘yung mga self-proclaimed na naglingkod daw sila dahil biktima sila ng human rights violation noong panahon ng rehimeng Marcos.

Pero wa epek dahil imbes bumulusok ang rating ni Bongbong ay napantayan na niya si Escudero.

E paano pa kung hindi pinagkakaisahan si Bongbong nina Escudero, PNoy, Mar,  Leni Robredo at leftist group sa pag-upak?

Habang papalapit ang eleksiyon, hindi na tayo nagtataka na laging nasa panic mode si Escudero.

Dahil hanggang sa kasalukuyan, hindi nila maintindihan kung bakit parang pinakakain na sila ng alikabok ng Anak ni Apo.

‘Salyahan’ sa NAIA T3 nabulilyaso!

SIYAM na pasaherong Pinoy papuntang Middle East ang nasakote (na naman!?)  noong nakaraang Sabado, February 27 na hinihinalang pinalusot ng isang immigration officer (IO) ESTOMO sa Terminal 3 ng NAIA.

Matapos maimbestigahan, umamin ang lahat ng pasahero na silang lahat ay magkakasama at pinapila sa counter ng nasabing IO.

Isang TCEU member na IO Millete de Asis, noon ay naka-duty, ang sinasabing kasabwat sa trabahong ito pero mariin niya itong itinanggi?!

Pero maraming nagdududa dahil habang dumaraan ang lahat ng pasahero, nakapagtataka na wala ang TCEU sa kanyang post at nagkukun-wang nag-i-interview ng iba pang pasahero.

Tell that to the marines, girl!

Kung talagang wala kang alam ‘yung IO de Asis bakit hindi niya nagawang ireport ang insidente sa IACAT at nasaan ang report sa POD?!

Walang report ‘di ba, Mr. Teody Boy Pascual?

Ayon sa iba pang urot sa airport, may basbas daw ni NAIA T-3 TCEU deputa ‘este’ deputy supervisor Elena Ensisiw ‘este’ Enciso ang diskarteng ito?

I don’t want to say na related ito sa balitang Belgium trip niya for a grandeur vacation!?

Wattapak!?

Hindi kaya kailangan ng pabaon ni Inday?

Ipinatawag din ni BI Commissioner Ronaldo Geron si BMSU member Fidel Mendoza dahil sinasabing sa kanya raw pala lahat ang nasabing mga pasahero.              

Aba, hindi pa ba naka-quota so Fidel ‘d cat sa Zamboanga?!

Dati na raw itinapon sa Mindanao si IO Estokmol ‘este’ Estomo na sinasabing galing sa Batch 7 of 2012 at talagang notorious umano sa pamamasahero kasama ang kanyang asawang IO rin at kasalukuyang nakabartolina sa T2 ng NAIA?

Comm. Geron mukha po yatang sinusubukan kayo ng mga IO diyan sa NAIA?!

Mukhang ikaw ang hinihintay para bigyan ng leksiyon ang mga pasaway diyan!

At ikaw IO Enciso, you again?! Ikaw na naman!

Sonabagan!

Mukhang wa epek sa iyo ang mga sermon ni former SOJ Ben Caguioa at lumarga ka na naman?!

Sabi nga ni PNoy, saan ka ba kumukuha ng kupal ‘este kapal ng mukha, Ate?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *