MESSAGE in a bottle! “Tuloy ang laban!” Ito ang madamdaming pahayag ni Phillip Salvador na tumatakbong Vice Governor ng Bulacan sa gitna ng disqualification at exclusion case na inihain sa kanya kamakailan.
Kasama ang kanyang abogadong si Atty. Nina Mejia humarap sa media si Kuya Ipe para linawin na kandidato pa rin siya sa pagka-Bise Gobernador ng Bulacan. May nagpapakalat daw kasi na disqualified na siya at hindi na makakatakbo.
Ayon kay Atty. Mejia, ”There were two cases that were filed against Kuya Ipe. Ang exclusion na nagsasabing hindi siya registered voter ng Bulacan at ang disqualification case na nagsasabing hindi siya maaaring tumakbo sa nasabing lugar.”
Ang exclusion ay naipanalo na ni Kuya Ipe sa MTC (Municipal Trial Court) pero inapila ito ng mga kalaban niya sa RTC (Regional Trial Court) at noong February 18 ay lumabas ang desisyon ng RTC at ini-reverse nito ang naunang desisyon ng MTC.
Kaya naman natalo si Kuya Ipe sa exclusion case sa RTC pero inapila na nila ito sa Court of Appeals.
Ang disqualification case naman na kamakailan ay inihain sa kanya at kasalukuyan pang pending sa Comelec. Wala pa itong resolusyon.
Kaya gustong ipabatid ni Kuya Ipe sa lahat na siya ay hindi pa disqualified tulad ng ikinakalat ng kanyang mga kalaban at kasalukuyan pa ring tumatakbo.
Kapistahan sa America
FIESTA in America is here!
At para ito sa business owners, marketing or sales executive na nagnanais magbahagi sa trade exhibits, cultural extravaganza, at food festival sa iisang bubong na gaganapin sa August 13 and 14, 2016 sa Meadowlands Expo Center sa Secaucus, New Jersey, USA in celebration of their 18th year.
Ayon sa Presidente nito na si Fernando Mendez, ”The two-day expo provides your company with direct sales and lasting brand-building benefits. If your Philippine company manufactures export-grade products or sells real estate for investment , if your business deals in finance, remittance or consumer goods directed at high-end immigrants, Fiesta in America assures you of many perks and benefits starting from a captive audience from New York, New Jersey, Connecticut, Pennsylvania, Delaware, Maryland and Virginia-a region with the largest Filipino community after California.”
Isang aktibidad na inaantabayanan tuwing may Fiesta in America ay ang kanilang Annual People’s Ball na dumadalo ang Who’s Who all over America kasama ang Pinoy entertainers natin from TFC and Kapamilya.
To sponsor, exhibit or advertise, please visit www.fiestainamerica.com for details or email at [email protected].
Direk Wenn is a good and true friend — Atty. Topacio
GOODNIGHT Direk Weng.
Si Atty. Ferdie Topacio ang gumising sa amin ng umaga ng February 29, 2016 sa text message niya bago pa bumaha na ng mga pakikiramay sa social media para sa blockbuster at award-winning na si Direk Wenn V. Deramas.
Na namayapa na ito. Matapos isugod sa ospital at dead on arrival ang kanyang kapatid na si Wawa. Sumunod si Direk Wenn sa ospital at doon na ito inatake.
Ang mensahe ni Atty. Topacio, ”I will miss Direk Wenn. I knew him, if only briefly. He was a good and true friend to Ms. Claudine Barretto, whom he never ceased to defend during her darkest days. When so many were bashing Clau for being mentally unbalanced and disbelieving her tales of being a battered wife, Direk Wenn kept saying publicly that Clau was a good woman and a loving mother. Such loyalty is truly very hard to find in showbiz today. This makes his death even sadder.”
HARDTALK – Pilar Mateo