Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Campaign shirt ni Pacman, ipinasuot sa mga nakipag-dinner na kabataang beki

BUBUSINA muna kami sa mga kapatid nating kabilang sa LGBTcommunity (na nasaktan kundi man nagalit sa naging pahayag ni Manny Pacquiao), a few members of which ay inanyayahan ni Pacman sa isang hapunan.

Naganap ang dinner makaraang mag-sorry si Pacman, na tinanggap naman ng grupong ito ng mga kabataang beki.

Pero sorry to say, hindi kinakatawan ng grupong ‘yon ang Ladlad, ang party list na nagsusulong sa pantay na mga karapatan ng mga bakla at tomboy sa bansa. Okey na sanang tinanggap ng mga ito ang paghingi ng sorry ni Manny, pero para magsuot ng kanyang campaign t-shirt ay ano ang agenda roon?

Si Manny ang obvious na may agenda sa likod ng hapunang ‘yon.  It was his way para kunin ang suporta ng mga dumalo sa dinner na ‘yon. As if naman, after humingi siya ng sorry at makaraan ng dinner na ‘yon ay natuldukan na ang isyu.

Sa totoo lang, Manny won’t be able to see the end of this! At titiyakin ng mga nasaling niya na wala siyang botong maaasahan mula sa mga ito.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …