Friday , November 22 2024

Comelec bulag ba sa malalaking pol ads sa provincial buses?

provincial busesAKALA natin ‘e iilan lang, pero kanina ay nakompirma ng inyong lingkod na sandamakmak na ang mga provincial buses na mayroong malalaking political sticker advertisement ng mga politikong tumatakbong Senador.

Unang-una na riyan ‘yung kandidatong si “alam ko po ‘yun.”

Lalo na ‘yung mga bus na nakagarahe sa illegal parking terminal ng isang matandang burikak.

Hindi ‘yata alam ng ibang kandidato na nagugulangan sila ni ‘Boy alam ko po ‘yun.’

Nagugulangan sila dahil siya ‘yung may malalaking political ads sa provincial buses na ‘yan at tipong nakalulusot lang kay Commission on Elections (C0melec) Chairman Andres Bautista.

Naman, naman!!!

Buenas na buenas ka naman diyan Boy alam ko po ‘yun!

E bakit nga ba hinahayaan lang ni Chairman Bautista ‘yang pol ads sa mga provincial buses?!

Hindi ba sabi ni Chairman Bautista, bawal na ang mga EPAL posters ‘e bakit ang mga nakabalandra sa mga bus ay hindi niya ipinababaklas!?

Lusot na lusot na, Chairman! Hindi mo ba alam?!

Aba ‘e baka ilampaso ka sa kaalaman ni ‘Boy alam ko po ‘yun’ kung ganyang parang wala kang nalalaman!

Chairman, ayaw ko namang maniwala na parang PCOS lang ang binabantayan at ipinamo-monitor mo?!

Paano naman ‘yung mga ‘walanghiya’ na mukhang talagang eksperto at mukhang marami ang pinaghihiraman ng kapal ng mukha kaya para silang mga manhid sa walang sawa at intensiyonal na paglabag sa rulings na inilalatag ng Comelec?!

Chairman Bautista, puwede bang sampolan mo ‘yang makakapal ang mukha na hindi na nagbabaklas ng mga epal tarpaulin nila ‘e kabit nang kabit at paskil nang paskil pa sa mga bawal na lugar?!

Hindi na nakapagtataka kung bakit marami sa kanila ang walang kakurap-kurap kung mambulsa ng pondo ng bayan…

‘Yung simpleng ruling lang na mayroong tamang lugar para sa kanilang tarpaulin at iba pang election paraphernalia ‘e hindi nila sinusunod, ‘yun pa kayang milyon-milyong pork barrel na sumasayad sa kanilang account ang hindi nila labagin kung paano at saan gagamitin?!

Paalalang tanong lang kay Chairman Bautista: “ELEKSIYON na, palagay mo ba’y may karapatan pa kayong magpahinga?!”

Ang sagot? “Lalong wala kayong karapatang magkasakit!”

Huwag papatay-patay Chairman Bautista!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *