Tuesday , November 26 2024

Patas na pagbabalita para sa INC (Hiling ng mga miyembro)

INCNapabalita nitong mga nakaraang linggo ang umano’y pag-boycott ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa isang sikat na TV network dahil sa “biased reporting.”

Masyado raw kasing pinalalaki ng “family network” ang maliliit na isyung panloob sa INC at ginagawa itong malaking balita.

Ayon sa isang nakausap kong INC member, mukhang ang pinapaboran at laging binibigyan ng airtime ay sina Menorca, Samson, Manalo-Hemedez at iba pang itiniwalag na miyembro ng simbahan.

Pero inilinaw ng INC na hindi kailanman sila nag-utos ng boycott sa TV network, gayon pa man hindi raw nila mapipigilan ang mga miyembro na maglabas ng hinaing nila gamit ang social media.

Dapat bang maging defensive ang INC dahil sa boycott? Hindi rin dapat.

Isa itong pribadong organisasyong pangrelihiyon.

May sarili silang mga alituntunin at pananagutan sa mga kasapi. Mag-utos man o hindi ng boycott ang INC laban sa TV network ay sarili nila itong desisyon at hindi natin dapat husgahan.

Ang mas importanteng tanong: Biased nga ba talaga ang estasyon ng ‘pamilya?’

Tingnan nga natin ang mga pangyayari.

Una, sina Menorca atbp., ay makailang ulit na puwersahang ipinipilit na makapasok sa INC compound sa Tandang Sora, na laging kasama agad ang TV crew ng estasyon at may katuwang pang mga ex-military.

May karapatan ba silang papasukin? Siyempre wala. Tiwalag na nga sila, ‘di ba? Hindi na miyembro ng simbahan nila. Nagsampa pa sila ng mga kaso laban sa liderato ng INC.

Hibang na lang ang aasang sasalubungin pa sila ng bukas-loob at bibigyan ng red carpet welcome sa INC compound.

Pero ibinalita pa rin ng estasyon na hindi raw pagpapapasok sa mga natiwalag na pilit gumagawa lang ng eksena para masira ang INC.

Pangalawa, ang estasyon ng ‘pamilya’ ay nakapagtatakang madalas nakakukuha ng “exclusive” sa press conference ng mga tiwalag at naibabalita kahit ang pinakamaliit na hinaing at galaw nila bilang pambansang balita.

Iniulat pati ang planong pagsasampa ng kaso ni Menorca laban sa mga pulis na tumutupad lang sa tungkuling i-serve ang warrant of arrest na galing sa korte.

Pero bakit daw nanahimik ang estasyon noong ibinasura ng DOJ ang mga reklamong kriminal na ihinain nila Menorca at Samson laban sa INC dahil sa kawalan ng basehan at ebidensiya?!

“Hindi ba’t parang pamimili ito ng ibabalita? Kayo nga ang humusga,” reaksyon pa ng isang INC member.

Hindi siyempre sasabihin ng estasyon na tumutulong sila sa “demolition job” at planadong paninirang ginagawa nila Menorca atbp., at ng kanilang financier?

Sana nga lang, maging patas naman ang pagtrato ng estasyon sa pagbabalita.

“Bigyan dapat ng pagkakataon ang magka-bilang kampo, hindi lang puro isa lang ang kinikilingan” pahabol ng isang kapatid.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *