Thursday , December 26 2024

Ang Panday ni Richard, ‘di lang pambata, pang-adults din

NAKAKAPANIBAGONG makitang muli si Richard Gutierrez makaraan ng matagal na panahon that he had been out of circulation.

To our recollection, ang huling TV project pa ni Richard ay ang Love & Lies sa GMA, at anong taon pa ito? Ngayon ay nagbabalik si Chard, hindi sa GMA kundi sa ibang estasyon via Carlo J. Caparas’ Ang Panday.

Sa mga isinilang noong dekada ‘80, pamilyar sa pandinig ang nasabing tauhan na ginampanan ng maalamat na si Fernando Poe Jr. Isa itong klasikong materyal sa komiks ng nobelista at direktor na si Carlo J. Mula 1980, dalawa pa ang nagbigay-bigay buhay sa bidang si Flavio, sina Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrada.

Sa muling pagwasiwas ni Flavio ng mahigawa’t makapangyarihang espada ay si Chard ang napili mismo ni direk Carlo na gumanap sa role. Sa nakaraang presscon nito, in character na humarap ang aktor sa press.

Nakaiintriga ang intro kay Chard ng nagsilbing host ng event na ‘yon, ”the ultimate Primetime King of Teleserye.”

Batay kasi sa mga network-generated press releases, ang “royal phrase” na Primetime King ay iginawad kina Coco Martin ng ABS-CBN at Dingdong Dantes ng GMA. But who says that TV5 cannot afford to have its own, at ‘yun ay sa katauhan naman ni Chard?

But of the plum role, ayon sa nagbabalik-TV na si Chard, ”Isang malaking karangalan na sa akin na ipinagkatiwala ang papel na unang ginampanan ni FPJ. Kaya nga when I got a phone call saying that I would portray the role, I was very excited.”

Base sa physical requirement ng nasabing papel, the “Panday” should be fit dahil na rin sa susuungin niyang mga fight scene laban sa kanyang mga kaaway. Inamin ni Chard na, ”I go to the gym twice a day. I watch my diet.”

Sinegundahan ito ni Tita Donna Villa, ang butihing maybahay ni direk Carlo, nang makausap namin sa labas ng venue, ”Richard kasi is the closest actor to the character.  Like FPJ and the ones who portrayed the role in the past, Chard has the discipline. Tahimik, nagtatrabaho lang. He has the physique for it kasi nga, sasabak siya sa mga fight scene.”

Pero ayaw solohin ni Chard ang kredito for making it all happen, ”Sa tulong ni direk Mac Alejandre, with the team behind it and of course, with the guidance of direk Carlo.”

Judging from the trailer, hindi lang mga bata ang tiyak na mararahuyo sa aabangang palabas na ito ng TV5 to premiere on February 29, 8:30 p.m.. At mapapanood weeknights pagkatapos ng PBA at Movie Max 5.

Hindi tulad ng mga naunang bersiyon, Ang Panday na ito ay mananahan sa dalawang mundo, giving it a modern touch to suit the changing times.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *