Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, tuloy ang pagpipinta kahit busy sa darating na kampanya

“I will continue,” giit ni Heart Evangelista ukol sa pagpipinta kahit nakatakda siyang tumulong sa kampanya ng kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero na nangunguna sa mga survey para sa vice presidential post.

At kahit maging busy si Heart in the coming weeks, hindi siya titigil sa pagpipinta. “Kung mayroon akong isang dedication is I will really paint until tumanda ako. Matitigil na lahat kahit ang pag-aartista, ang pagpipinta ay hindi. ‘Yun ang goal ko kaya kahit busy ako, tuloy pa rin ang pagpi-paint,” ani Heart.

Nagkaroon ng art exhibit si Heart sa Ayala Museum noong nakarang linggo tampok ang kanyang art works na alay niya sa kanyang daddy Rey Ongpauco.

Katatapos lang din niyang gawin ang pakikipag-collaborate kay Mark Gumgarner na gumawa sila ng gowns na pinintahan ni Heart para sa kanilang beneficiaries na Thalassemia Foundation of the Philippines at Corridor of Hope.

Very dedicated si Heart sa kanyang craft at kahit nagkaroon siya ng exhibit ay mayroon daw siyang bagong project sa GMA 7 na tinatrabaho rin niya kasabay ang paggawa ng clutch line.

“I’m designing clutch bags so I’ll be launching a clutch line soon and pati na rin mga bag ko. Hopefully by the end of the year, mai-launch ko siya,” wika ng aktres-turned-painter.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …