Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Edgar, mag-aaral ng Culinary Arts sa TESDA

NASORPRESA ang youth supporters ng senatorial candidate na si Joel Villanueva sa surprise musical number na handog ni Edgar Allan Guzman noong February 9 sa Amoranto Sports Complex sa kick off ng kampanya ng senador.

Kasabay nito ang pagsasabi ni Edgar na mag-aaral siya sa TESDA na pinamunuan noon ni Villanueva.

“Malaking bagay po sa akin na mapalawak pa ang nalalaman ko kaya plano ko talaga na ituloy ko ang culinary course sa TESDA. Kahit busy sa trabaho bilang artista bibigyan natin ‘yan ng oras dahil importante ito para sa akin,” ani Edgar sa isan panayam.

Sa kabilang banda, naikuwento ni EA na single siya ngayon kaya naman naka-focus ang kanyang atensiyon sa pag-aalaga sa kanyang nanay na kagagaling lang sa karamdaman. Bread winner ng pamilya si EA kaya’t doble ang kayod at ‘di naman pinagkakaitan ng blessings.

At sa mga naka-miss sa kanyang character sa Kapamilya serye na Doble Kara, sinabi ng aktor na magbabalik ang kanyang papel sa afternoon serye. “Hintayin n’yo lang po magbabalik ang role ko sa ‘Doble Kara’ at marami pa kayong dapat abangan sa serye naming.”

Matagal din nag-usap sina EA at Villanueva at dito humanga si EA sa senatoriable dahil sa hangarin nitong mapalaganap ang edukasyon at kaalaman lalo na sa mga kabataan.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …