Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boyet, nainggit kay Ipe kaya tinanggap ang role na Lizardo

NAGKAKATAWANAN at niloloko si Christopher de Leon sa pagtanggap nito ng villain role sa remake ng fantaseryeng pagbibidahan ni Richard Gutierrez, sa TV5 handog ng Viva Communications Inc., ang Panday.

Gagampanan kasi ni Boyet (tawag kay Christoher) ang papel ng kontrabidang si Lizardo na pinasikat sa pelikula ng late character actor na si Max Alvarado at ginampanan din ni Phillip Salvador kay Bong Revilla version nito ng Panday.

Ayon kay Boyet, nang ialok sa kanya ang papel na Lizandro, sinabing hindi raw ito ang pangkaraniwang Lizandro na role na napapanood. “You will see more powers comes from within,” paunang paliwanag ni Boyet sa presscon ng Panday kahapon. “Who can live in this era to the next generation.”

Sinabi pa ni Boyet na mas exciting ngayon ang karakter ni Lizandro dahil mas maraming galamay at mas maraming puwedeng gawing masama kay Panday. “Kaya mas magiging exciting pa sa viewers na tututok ditto.”

Ang isa pa raw sa naka-excite sa kanya ay ang fightscene nila ni Richard gamit ang sword (tabak). “Matagal ko nang dream na makipag-away gamit ang sword kaya masaya ako at na-enjoy ko ‘yung scene na ‘yun every minute of it,” giit pa ni Boyet.

Sa Pebrero 29 matutunghayan ang pagbabalik sa primetime TV ng original fantaserye king na si Richard sa pinakabago, pinakamalaki, at pinakamodernong bersiyon ng sikat at klasikong nobela ng premyadong writer-director na si Carlo J. Caparas.

Kaya tumutok lang kung paano gagampanan ni Richard ang karakter ng Pinoy superhero na si Flaviro, na unang pinasikat sa apat na pelikula ng yumaong hari ng pelikulang Filipino na si Fernando Poe Jr..

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …