Friday , November 22 2024

CPRO Legal; Transfer ng 27 customs officials illegal at invalid – SC

NAGDESISYON na nang pinal ang Supreme Court (SC) at tuluyang ibinasura ang motion for reconsideration na inihain ni Finance Secretary Cesar Purisima at ng Bureau of Customs (BoC) na kinawatan ‘este’ kinatawan noon ni Commissioner Rozzano Rufino Biazon na ngayon ay hinalinhan ni Commissioner Alberto Lina.

Kaugnay ito ng isyu ng paglilipat sa 27 opisyal ng Bureau of Customs (BoC) sa  Customs Policy Research Office (CPRO) alinsunod nga sa utos ng Finance Department.

Idineklara ng SC, na legal ang Executive Order (EO) na lumikha sa CPRO na umano’y pinondohan ng kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Mariing sinabi naman ng SC na ang pagkakalagay sa “floating status ng 27 Customs official ay ILLEGAL at INVALID.

Sa dalawang-pahinang resolusyon ng Second Division, na nilagdaan ni Ma. Lourdes Perfecto, Division Clerk of Court, noong Disyembre 7, 2015, ibinasura ng SC ang motion for partial reconsideration na inihain ni Purisima et al.

Sa botong apat laban sa isa, nanindigan ang SC sa kanilang desisyon noong Agosto 24, 2015 na isinulat ni Justice Antonio Carpio na illegal at invalid ang paglilipat sa 27 Customs officials.

Sinabi ng SC na ang Regional Trial Court ay may jurisdiction sa action for declaratory relief na inihain ng mga BOC personnel na sina —Ronnie Silvestre, Edward dela Cuesta, Rogel Gatchalian, Imelda Cruz, Lilibeth Sandag, Raymond Ventura, Ma. Liza Torres, Arnel Alacaraz, Ma. Lourdes Mangaoang, Francis Agustin Erpe, Carlos So, Marietta Zamoranos, Carmelita Talusan, Arefiles Carreon at Romalino Valdez.

Tuwang-tuwa siguro ang mga nasabing opisyal kung napaaga sana ang desisyon ng Korte Suprema.

Too late the hero…

Marami kasi sa kanila ay nagbitiw na dahil sa tingin nila noon, wala nang pag-asang mabago pa ang desisyon ng Finance Department.

May nag-retiro na at may ilang nagkasakit dahil sa depression noong parang binartolina sila diyan sa central bank.

Tsk tsk tsk…

Aanhin pa nga naman ang damo kung wala na ang kabayo?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *