Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panahon ng may Tama: ComeKilig, best comedy entertainment sa Valentine

020116 ate gay Chuchay Boobsie Papa Jack

00 SHOWBIZ ms mMAS okey na piliin ang isang Valentine show na tatawa, kikiligin, at may kantahan. Swak sa  netizens ang prodyus na show ni Joed Serranong CCA  Entertainment Productions  Corp  na PANAHON ng May Tama: ComeKilig.

Tampok sa Panahon ng May TamaL ComeKilig sina Gladys “Chuchay” Guevarra, Ate Gay, Boobsie Wonderland, plus the special participation of Metro Manila’s hottest FM radio personality, Papa Jack.

Gaganapin ito sa Feb. 13 sa Smart Araneta Coliseum,  sa ilalim ng direksiyon ni Andrew de Real.

Panalo ang show na ito dahil magbibigay sila ng ”best in comedy entertainment.”

“Grabe,”  bukod tanging reaksiyon ni Boobsie nang tanungin na pang-Araneta na ang performance niya.

After pagkatiwalaan ng actor-producer na si Serrano na mag-concert si Ate Gay sa MOA, nasundan ngayon sa Araneta. Hindi isyu kay Ate Gay kung hindi niya solo ang Araneta at apat sila.Sinusunod lang daw niya kung ano ang desisyon ng kanyang manager. Ang importante ay pinagkakatiwalaan siya ni Joed at sinasabi na kumita naman siya sa MOA concert niya.

Kompleto’s rekados ang PANAHON ng May Tama: ComeKilig dahil si Gladys ay kinatawan ng mga Girl,  si Papa Jack sa  ‘Boy,’ si Ate Gay sa mga ‘bakla’ at si Boobsie sa mga ‘tomboy’.

Sa kabilang banda, hindi naman kinakabahan ang  cast ng Panahon Ng May Tama: #ComeKilig  kahit maraming kasabay. Kakaiba naman daw kasi ang handog ng CCA Entertainment Productions Corp..

Magpapatawa sila sa audience at iba  rin ang crowd nila.

“Iba iyong atake nila sa mga manonood, iba rin sa amin. Ang aim naman namin ay magpasaya ng tao, kasi ganoon naman kami,” giit ni Ate Gay.

“Pasabog sa katatawanan.Kasi, bukod sa nakakatawa ito, ang gagaling ng mga kasama ko rito, pati sa kantahan,” dagdag pa niya.

Hindi naman daw ito show na napapanood sa comedy bar na dinala sa Araneta. Pinag-isipan talaga ang konsepto nito ni Mamu Andrew.

Sila rin ang maglalaglagan at maglalaitan. Hindi sila gagamit ng ibang tao para magpatawa.

Anyway, pinakamababang presyo ng tiket ng PANAHON ng May Tama: ComeKilig ay P200 kaya lahat ay kayang-kayang makisaya at tumawa sa Araw ng Mga Puso sa Araneta. Puwede bumili ng tickets sawww.ticketnet.com.ph. o  tumawag sa (02) 911 5555.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …