Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chemistry nina Shy at Mark, malakas!

0206116 mark shy

00 SHOWBIZ ms mNGAYONG araw na ito unang mapapanood ang tambalang Shy Carlosat Mark Neumann sa pamamagitan ng bagong handog ng Viva Communications Inc., at TV5, ang Carlo J Caparas’ Tasya Fantasya.

First time magkakatambal nina Shy at Mark pero parang napaka-at-ease na nila sa isa’t isa. Paano’y may pagkamakulit at palatawa si Shy at si Mark naman ay medyo tahimik.

Dating ka-loveteam ni Mark sa TV5 si Shaira Mae kaya natanong ang actor sa isinaawang pocket presscon kung sino ang mas okey na ka-loveteam, ‘yung may boyfriend na o single pa? May boyfriend noon si Shaira Mae, si Edgar Allan Guzman samantalang si Shy ay wala.

“Well, let’s say in a way (mas okay), yeah.

“Why? Of course, sometimes even though..I’m not saying na talaga, but there’s always a hindrance in some way. Even though hindi mo talaga gusto na may boyfriend.

“Hindi naman hindrance, pero there’s always gonna be something because she’s attached to someone else, which is, you know, that’s how it really is,” mahabang paliwanag ni Mark. ”Even though I do miss Shaira and the old times. But if the management choice is this…well, the management knows what’s best on what to do with us.”

Hindi naman kasi itinanggi ni Mark na nagkaroon ng issue sa loveteam nila ni Shaira dahil sa relasyon nito kay Edgar Allan. Kaya naman umaasa siyang hindi na ito mangyayari ngayon sa kanila ni Shy dahil single nga ang kanyang bagong leading lady

Kaya sinabi pa nitong mas okey na walang boyfriend ang kanyang ka-loveteam para walang maging problema.

Ukol naman sa pagiging magkatrabaho nila ni Shy, sinabi niya kung gaano kakulit ang dalaga. ”Kabaligtaran sa shy na pangalan niya, ang kulit niya!” sabay tawa ng aktor.

“Pero ‘yung kulit na nakatutuwa. She’s the life… parang ‘pag lahat pagod na, siya ‘yung makulit. She’s really into her character, she does it professionally and hindi siya takot pumangit kasi she does it professionally.”

Iginiit pa ni Mark na close na sila ni Shy. ”Well, I’m pretty close na with her, but I wanna get closer pa. Like I said, we’ll spend more time together. It was not hard naman to get close with her.”

Talaga namang kahanga-hanga ang patience ni Shy dahil mahirap din ang role niya bilang si Tasya na nilalagyan ng malalaking false teeth.

Aminado itong noong una’y nahirapan siya sa pagsasalita at naupuan pa ang ginagamit na false teeth. ”Mahirap po noong una, pero noong magtagal nasanay na rin po. Medyo lumuwag lang ‘yung ginagamot kong false teeth kasi naupuan ko po, pero naayos naman na,” anang dalaga na base sa aming napanood na trailer ng Tasya Fantasya ay magaling ang pagkakaganap niya bilang si Tasya.

Kaya naman nakatitiyak kaming mag-eenjoy ang viewers sa handog na ito ng Viva at TV5 dahil mas lamang ang good vibes kahit na may mga kontrabida. At sa totoo lang, malakas ang chemistry nina Shy at Mark.

Makakasama rin dito sina Candy Pangilinan, John Lapus, AJ Muhlach, at marami pang iba na idinirehe ni Ricky Rivero.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …