Friday , November 22 2024

Trans Pacific Partnership (TPP), economic intruder?

Transpacific PartnershipINAAPURA umano sa Kongreso ang pag-aapruba sa House Bill 6395 ngayong linggo.

Sa nasabing panukala, pahihintulutan ang lending companies, financing companies at investment houses sa bansa na 100% na maging pag-aari ng foreign nationals.

Ayon sa IBON, ito ay resulta nang masigasig na pagla-lobby ng Joint Foreign Chambers of Commerce at ng US Embassy.

Pinuri pa nga ni US Ambassador Philip Goldberg ang pagpapasa ng HB6395, sinabi nyang may mga balakid pa rin para maging miyembro ang bansa ng TPP katulad ng pagbabawal sa foreign participation sa land ownership na nakasaad sa 1987 Philippine Constitution.

Ang karanasan ng bansa sa hindi mapigil na liberalisasyon na nagtulak sa pamahalaan para naising lumahok sa TPP, ay hindi makatuwiran, ayon sa grupo.

Sinabi ng IBON, ang TPP ay base sa ‘obsolete and failed model’ ng free trade agreements na seryosong hinahamon ang awtonomiya ng bansa sa pagsusulong ng tunay na pag-unland.

Anila, dapat labanan ng gobyerno ang self-interested lobbying ng foreign governments at transnational corporations.

Tingin natin ay may masamang epekto sa ekonomiya ng bansa ang TPP.

Ito ang bagong hitsura ng ‘pananakop’ ng dayuhang kontrol sa mga negosyo at lupain sa bansa.

Kung inaakala ng ilang marurunong na opisyal diyan na kapag pumasok ang mga transnational companies sa ating bansa ay mabubuhay ang industrialisasyon, nagkakamali po tayo.

Ang TPP ay magbibigay ng lisensiya sa mga dayuhan na lantarang makapag-ari ng lupain at iba pang propriedad. Maging ang public utilities at social services ay maaari na nilang pasukin at gawing pribadong pag-aari nila bilang negosyo.

Sa pangunguna ng Estados Unidos, ang TPP ay nilagdaan kamakalawa sa New Zealand ng 12 bansa sa gitna ng mga protesta sa buong rehiyon katulad ng Auckland at Kuala Lumpur.

Nabatid na naalarma ang mga kritiko kaugnay sa malawak na pagkiling ng TPP para sa corporate interests at malawak na sakop ng economic areas na nais makontrol ng TPP.

Kabilang dito ang pagpapahintulot sa foreign corporations na mag-invest sa public utilities at social services.

Sa kabila nang malawakang pagtutol, ang gobyerno ng Filipinas ay marubdob na nagnanais na maging miyembro ng TPP.

Sonabagan!

Ang TPP na ito ay base sa ‘obsolete and failed model’ ng free trade agreements na seryosong hinahamon ang awtonomiya ng bansa sa pagsusulong ng tunay na pag-unlad.

Dapat ay maging mulat ang gobyerno sa paglaban sa self-interested lobbying ng foreign governments at transnational corporations.

Dahil kung hindi, isang araw ay magigising tayong ‘dayuhan sa sariling bayan.’

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *