Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasion de Amor, pinakapinanonood tuwing weekdays

020316 Pasion de Amor

00 SHOWBIZ ms mMAS titindi pa ang mga emosyon, liliyab pa ang mga pasabog, at tiyak mas pakatututukan ng manonood ang mga kaganapan sa nalalapit na pagtatapos ng pinakamainit na serye sa primetime ngayon, ang Pasion De Amor.

Patuloy na tumitibay ang samahan at mas nabubuo ang tiwala sa isa’t isa nina Juan (Jake Cuenca), Oscar (Ejay Falcon), Franco (Joseph Marco) Norma (Arci Munoz), Sari (Ellen Adarna), at Jamie (Coleen Garcia) sa kanilang pagtutulong-tulong para pagbayarin si Gabriela (Teresa Loyzaga) sa mga kasalanan.

Maging si Gabriela ay dahan dahan na ring inaako ang mga nagawa na siyang mag-uudyok kina Norma na isuko sa awtoridad ang sariling ina. Tuluyan na bang magpapaubaya si Gabriela sa kagustuhan ng mga anak sa pag-asang makuha muli ang tiwala at pagmamahal nila?

Kung kailan akala ng lahat ay unti unti nang naisasaayos ang lahat, doon naman makatatakas si Gabriel (Wendell Ramos) sa kulungan para muling yanigin ang mga buhay nila. Paano muling bubuwelta sa mga Samonte at Elizondo si Gabriel?

Simula nang umere ang Pasion De Amor noong Hunyo ay talaga namang tinutukan na ito ng sambayanan at hindi matinag pagdating sa ratings. Pumalo ito sa pinakamataas na national TV rating na 29.2% noong Oktubre, base sa datos ng Kantar Media. Lagi rin itong kabilang sa top ten na pinakapinanonood na programa tuwing weekdays.

Huwag palampasin ang huling apat na linggo ng Pasion De Amor, Lunes hanggang Biyernes, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …