Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM, never nagka-tantrum sa Tandem

020316 tandem jm de guzman

00 SHOWBIZ ms mPURING-PURI ng buong cast gayundin ng director ng Tandem si JM de Guzman, isa sa bida ng napapanahon at de-kalidad na pelikula kasama si Nico Antonio dahil sa napakagaling na performance nito sa pelikula. Itinanghal kasing Best Actor si JM sa nakaraang Metro Manila Film Festival New Wave category.

Sinabi ni Nico na wala raw siyang na-experience na problema kay JM contrary sa mga naging tsismis nang ginagawa nito ang All of Me, teleserye sa ABS-CBN2.

“’Yung sa ‘All of Me’, nagulat na nga lang ako talaga, kahit si Rochelle (Pangilinan, isa rin sa cast sa movie), nagulat din, na bakit nagkakaganoon si JM? May mga bulong-bulungan daw sa set, kay direk Dondon (Santos), ‘yun.  Kasi sa ‘Tandem’, wala kaming naging problema kay JM,” giit ni Mico.

Ganito rin ang sinabi ng direktor ng movie na si King Palisoc. “Malayong-malayo ‘yung experience namin noong ginagawa ang pelikula (sa mga tsismis). Never akong nag-adjust o nagkaroon siya ng tantrum, wala. In fact, napansin ko nga, sobra siyang conscious, tuwing nagsu-shoot kami, lagi siyang nagtatanong kung okay ba ang ginawa niya.

“Pero in terms of behavior, ‘yung personality, sobrang okay siya and I think, he was coming off ‘Tadhana’,” paliwanag pa ni direk King.

Nagulat naman daw si Rochelle dahil wala siyang alam (ukol sa usapin kay JM) at doon lang sa presscon niya nalaman ang nangyari kay JM. “Hindi ko po talaga alam. Actually, nanghihinayang ako, nakalulungkot kung ganoon nga talaga ang nangyari. At alam ko naman at ipagdarasal ko rin na makabangon siya at makabalik agad.”

Na-miss nga ng mga kasamahan niya gayundin ng mga dumalong entertainment press sa presscon si JM para sa pelikulang Tandem na handog ng Quantum Films, Tuko Film Productions & Buchi Boy Films na mapapanood na sa February 17 sa mga sinehan.

Wala man sa presscon, napag-alaman naming tumutulong naman sa promotion si JM sa pamamagitan ng pagpo-post ng poster ng Tandem sa social media.

Kasama rin sa movie sina Elora Espano, Allan Paule, Paolo O’Hara, BJ Forbes, Karl Medina, at Dennis Marasigan.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …