Wednesday , August 6 2025

Maynila, sentro ng sining — Bagatsing

013016 bagatsing

00 SHOWBIZ ms mHINDI mawala ang aming paghihinayang sa tuwing nadadaan saMetropolitan Theater sa Maynila dahil matagal-tagal din itong naging bahay ng paborito naming show noon, ang VIP Live (Vilma in Person) niGov. Vilma Santos.

Kaya naman natuwa kami nang sabihin ni Rep. Amado Bagatsing na isa sa mga plano niya kapag nahalal na Mayor ng Maynila ang revival at reconstruction ng Metropolitan Theater.

Napakaganda kasi ng MET at nakapanghihinayang kung pananatilihin itong nakatiwangwang lang at walang silbi.

Ani Bagatsing, prioridad niya ang pagpapaganda at pagsasaayos ng capital city ng bansa bilang sentro ng sining, kultura, at kasaysayan. At magagaya niya ito sa pakikipagtulungan sa mga negosyante, urban planners, mga eksperto sa kasaysayan, at artist groups.

“There’s a need for us, Filipinos, to revisit our history, cuture and arts,”paliwanag ni Bagatsing sa isang pakikipagtsikahan sa kanya sa Annabel’s Restaurant. ”Not only art for art’s sake but also we can touch base with who we are as a people,” sabi pa ni Bagatsing.

“We will bring back the glory days of Manila and rescue it from urban decay as a result of neglect and apathy of the present and past administrations,” dagdag pa ni Bagatsing na taal na taga-Maynila kaya ganoon na lamang ang pagpapahalaga niya sa mga lugar na nakagisnan na niya sa lugar.

Sinabi pa ni Bagatsing na plano rin niyang magkaroon ng imbentaryo sa mga sinehan at pagbibigay-suporta sa mga pelikula, musika, at likhang-sining ng mga Filipino. ”We have so many beautiful and socially relevant films, especially those from indie producers and directors. We need to support them as well as those coming out from the yearly Metro Manila Film Festival,” anito pa.

Ipakikita rin daw ang ganda ng siyudad sa pamamagitan ng float parades at pagpapalabas ng history, arts, at cultural materials.

“Roxas Boulevard will be a place for painters and musicians and not hawkers and beerhouses. There, painters can draw inspiration from the breathtaking Manila Bay sunset as tourist and locals alike promenade safely; there musicians can play their instruments or songs freely as they’re caressed by the clean and soft breeze from Manila Bay,” dagdag pa ng kongresista,

“We will also revive Intramuros and all of our efforts will be in coordination with the hotel and restaurant associations, the police and the barangay. I know how beautiful Manila was and I intend to reclaim that beauty and glory if elected mayor,” giit pa ni Bagatsing.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Carla Abellana

Carla nakikipag-date na

MA at PAni Rommel Placente MAY bago na pa lang idine-date si Carla Abellana. Ito ang …

Pokwang

Pokwang absent sa Gala: Gagastos ka na lalaitin ka pa

MA at PAni Rommel Placente NO show si Pokwang sa naganap na GMA Gala 2025 last Saturday, August 2, …

Roderick Paulate

Roderick ‘di kailangang manlait para pumatok ang pelikula

MATABILni John Fontanilla PAGKATAPOS ng mahabang panahon ay muling magbibida ang itinuturing ng icon ng …

Gelli de Belen

Gelli napanatili hitsura noon at ngayon

I-FLEXni Jun Nardo VERY, very slight lang ang nadagdag na timbang kay Gelli de Belen. Pero …

Kaila Estrada Sante BarleyMax

Kaila Estrada, isinasabuhay kahalagahan ng holistic well-being bilang Santé BarleyMax ambassador

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ALAMIN kung paano isinasabuhay ni Kaila Estrada ang kahalagahan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *