Friday , November 15 2024

Caloocan City Police Community Precinct (PCP) 5 inutil sa agaw-cellphone at snatchers!

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI ligtas para sa mga residente, pedestrian lalo sa mga nagagawi lang sa Caloocan City ang mga kalye sa 2nd at 3rd Avenue.

‘Yan ang babala natin sa mga taong magagawi sa lugar na ‘yan.

Halos hindi na mabilang ang mga nabibiktima ng agaw-cellphone diyan sa 2nd Avenue at 3rd Avenue sa Grace Park.

Ultimo mga residente sa area na ‘yan ay hindi na sinasanto ng mga notoryus na agaw-cellphone.

Mapa-bata o matanda, babae o lalaki binibiktima ng notoryus na agaw-cellphone gang.

Walang kinatatakutan talaga!

Diyan sa area na ‘yan ng 2nd Avenue at 3rd Avenue sa Grace Park, Caloocan City ay mayroong barangay hall na pinamumunuan ni Barangay Chairman Toncho Duran at nariyan rin ang Caloocan Police Community Precinct (PCP) 5 sa kanto ng 3rd Avenue at Rizal Avenue pero kapag nagpunta ang mga nagrereklamo, WALANG TAO! NGANGA!

Paanong magkakatao riyan sa barangay, ‘e ang mga TANOD umano ay laging nasa mga SAKLAAN.

‘Yung mga pulis naman, hindi rin makita sa PCP 5, bakit?!

Saan naman kaya tumatambay ang mga pulis ng Caloocan PCP 5?!

Sa saklaan din kaya o sa International o sa mga katabing KTV bar o beer houses diyan sa 2nd at 3rd Avenue?!

Senior Supt. Bartolome Bustamante Sir, maawa naman kayo sa mga naaagawan ng cellphone lalo na sa mga estudyante!

Galaw-galaw naman ‘pag may time!

Ang mabantot na barangay sa Divisoria

NAMAMAHO ang paligid ng isang barangay sa Divisoria, Maynila.

Hinaing ito ng mga residente sa Brgy. 268 Z-25 District 3 sa Maynila sa kanilang Chairman OCA PERAVANDOS ‘este’ PREVANDOS.

Paano nga naman hindi tatambak ang basura sa kanilang barangay ‘e sandamakmak na raw ang vendors kaya’t sagana naman daw sa kolektong na tara y tangga?!

Kitang-kita nga raw sa MUELLE DE BINONDO ang ilog ng BASURA na ginagawang tapunan ng vendors.

Nagtataka nga ang mga residente sa naturang barangay kung bakit parang hindi na inaatupag ni Chairman Oca ang paglilinis sa kanilang lugar.

Tanong nga nila: “baka naman may ha-tag?”

Pakisagot nga Chairman Oca!

Hindi pa ba papalitan ang ACO sa Boracay BI field office?

TAPOS na nga kaya ang rotation of personnel ng Bureau of Immigration (BI)?

Marami kasi ang nagtataka kung bakit until now ay nandoon pa rin sa BI-Boracay Field Office ang Alien Control Officer (ACO) nila na si I/O Thelma ‘d Tigre ‘este’ Adre.

Tila yata nakaligtaan na isama sa rotation si I/O Tigre ‘este’ Adre para ibalik muna ri-yan sa BI main office o sa ibang station naman.

Since, ang Boracay ay tourist spot, mas bagay raw na ang ilagay na hepe roon ay ‘yung may pagka-jolly and accommodating at ‘di gaya ng kasalukuyang ACO nila na kilala na madaling pumutok ang fuse?!

Sa madaling salita, hindi siya friendly user ‘este’ user friendly?! Well, sana nga ay may mag-advice kay Immigration Comm. Geron tungkol sa bagay na ito at tuluyang alisin sa BI-Boracay si Ms. Adre!

Hihintayin pa ba natin na may ‘sumabog’ na naman diyan?

Car wash sa 20th Ave., sa Cubao perhuwisyo na! (ATTENTION MMDA)

SIR JERRY, gusto ko lang ipaalam dito sa amin sa 20th Ave., Cubao, QC. ‘Yun mga car wash business dito ay sinakop na nila ang isang lane. Sayang naman ang luwang ng kalsada na hndi nagagamit ng motorista. Parang walang nakikita ang mga opisyal ng brgy dito. Wala rin aksiyon ang city hall. +63917330 – – – –

Nami-miss si Percy Lapid

GOOD am sir Jerry Yap, tanong ko lng c sir Percy Lapid kumusta na po siya? How can I get in touch with him? I’m a fan of urs and Percy Lapid but have not heard from u for quite a time over the radio DWBL. #+639265587439

Mapapakinggan po ang bagong programa ni Percy Lapid sa DZRJ-AM 810KHZ 9-10AM MON-FRI.

Asset/bata ng Pulis-Maynila tulak sa Sta. Cruz Maynila! (Attn: Gen. Rolando Nana)

SIR JERRY pakitulungan naman ho kami dito dahil sa ginugulo kami ng grupo ni Doggie alyas Aso dahil alam ho nya na isa kami sa mga galit sa iligal na mga makina nila ng VK dito sa Lope De Vega,tabing ilog po mismo. Doon rin ho sila gumagamit ng iligal na droga na ibinibenta nila Aso nanagpapakila-la po na asset at tao daw po siya ng pulis NARCOTICS sa Hq at STA CRUZ at doon daw po sa mga amo nila galing ang ibinibenta nilang droga. Wala daw ho silang kinatatakutan dahil bata at tauhan din daw ho sila ng mga pulis-Maynila. #+63918737 – – – –

Video karera at droga sa AOR ng Alvarez PCP

GOOD pm po sir Jerry, gusto lang ho namin iparating sa kinauukulan ang mga nagkalat na makina ng VIDEO KARERA dito sa amin sakop ng ALVAREZ PCP. Talamak din bentahan ng bato. #+63927426 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *