Thursday , June 4 2026

Pinay, itinanghal na Mrs. Grandma Universe

012916 babylyn newfield
MAY dahilan talaga para pangilagan ng ibang bansa ang mga kandidatang ipinadadala natin sa mga international pageant. Katatapos pa lang manalo ni Pia Wurtzbach sa Miss Universe noong December 20 at ngayon, isa na namang good news, Pinay na naman ang hinirang bilang pinakamagandang lola sa katatapos na Mrs. Grandma Universe na ginanap sa Sofia, Bulgaria sa katauhan ni Babylyn Decena-Newfield.

Enero pa lang pero panalo na agad tayo. Magandang indikasyon ito at tiyak na sa buong 2016 ay maganda ang magiging laban natin sa mga international beauty pageant. Magandang buena-mano kumbaga.

O ‘di ba, mapabata o mapa-lola ang ating representative, win talaga ang Pinay.

Forty eight years old na si Newfield, isang entrepreneur mula sa Alabang, Muntinlupa City. May apat na anak at apat na apo.

Hindi na ako nagtaka nang manalo si Babylyn dahil kahit lola na ay maganda pa rin siya, makinis ang balat, at alagang-alaga ang katawan.

Si Babylyn din ang nagwaging Best in National Costume.

Congratulations!

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …