Saturday , November 23 2024

Anti-Political Dynasty isulong

Bato BalaniMATAPOS lagdaan mga ‘igan ni PNoy nitong Enero 19 (2016), ang Republic Act No. 10742, na nagbabawal sa pagtakbo ng Sangguniang Kabataang (SK) Officials na kamag-anak (anak, apo, pamangkin, pinsan atbp.) ng sino mang elected officials sa barangay, bayan, siyudad at probinsiya, ay unti-unti nang mabubuwag ang political dynasty sa Pinas.

Sadyang napakaganda ng nasabing panukala, na sa baba palang o sa SK palang ay puputulin na ang talamak na sakit sa politika ng mga Filipino. Mantakin ninyo, kung magpapatuloy ito, kabataan pa lang ay tinuturuan na nila ng katiwalian at sa murang edad ay kasabwat na sa ano mang katarantadohang ginagawa sa lipunang kanilang pinagsisilbihan (kuno).

Sa SK pa lang ay mapipigil na rin ang mga hayok sa kapangyarihan na gustong hawakan o pagharian ng kanilang angkan ang lugar na kanilang kinabibilangan.

Siyempre, umpisa na rin ang kuropsiyon sa ganitong sitwasyon. Mabuti nga’t nagwakas na sa pamamagitan ng nasabing panukala ang mga kabulastugan ng mga dorobo ng Bayan.

Ang mas matinding panukalang dapat na ipatupad sa lalong madaling panahon ay pagbabawal sa political dynasties sa mga kakandidato sa matataas na posisyon, tulad ng presidente, bise presidente, senador at representante. Bakit nga ba sa SK officials sinimulan? Bakit hindi sa barangay officials? Bakit hindi na lamang pinagsabay ang SK at barangay officials?

Napakalaking dagok nito kung sakaling ipatutupad, partikular sa mga politikong pulpol na walang inisip kundi ang kapakanan ng kanilang angkang sakupin at pagharian ang kanilang lugar, ngayon at sa mga susunod pang henerasyon. Pansinin na lang natin ang talamak na political dynasty sa kasalukuyan. Nariyan ang angkan ng Aquino, na nagsimula sa mga magulang hanggang sa  mga anak; ang angkan ng Marcos, na nagsimula sa amang presidente hanggang sa  mga anak; ang angkan ni Binay at marami pang iba.

Hahayan ba nating tuloy-tuloy ang political dynasty sa Pinas? Matapos na ipasa ang Republic Act No. 10742, ating isulong ang pagpigil sa political dynasty sa mga tatakbong politiko sa matataas na posisyon, kahit man lamang sa barangay muna! Siguradong iikot ang puwet ng mga animal sa Barangay!

He he he… tapusin na natin maliligayang araw ng mga tarantadong politiko sa lipunan at ituloy ang tunay na pagbabago at ang totoong mukha ng politika!

Sulong Filipinas…Sulong!

Bruskong opisyal ng Manila City Hall isinusuka

Matapos kangkungin ng isang opisyal ng Manila City Hall, na dating nasa ‘floating status’  na patuloy na namamayagpag sa napaglipatan n’yang bureau, ang aguinaldo/regalo ng isang barangay chairman ng Maynila, at ibulsa umano ang sobrang suweldo ng matapat niyang empleyado, ay opisina naman ngayon ang target ni ‘Kangkongera.’ Mantakin n’yong hindi na nakontento sa kasalukuyan n’yang opisina! Ang ibig n’ya’y malaking puwesto ang dapat n’yang kalagyan! Ano ka ba naman ‘Ma’am’ huwag masyadong iparamdam ang pagiging bossing n’yo! Huwag n’yo masyadong yakapin ang mataas n’yong posisyon! Hindi po panghabambuhay ‘yan! Kung patuloy ang ganyan n’yong asal, aba’y madadagdagan pa o’ dadami pa ang mga taong isusuka kayong palabas ng opisinang kinalalagyan n’yo ngayon!

Huwag naman sana! Magpaka-bossing nang tama, sa ikapapayapa ng lahat!

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *