Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

10 inmates sugatan sa QC jail riot

SAMPUNG bilanggo ang sugatan sa naganap na riot ng grupo ng ‘Bahala Na’ Gang (BNG) at ‘Sigue Sigue Sputnik’ (SSS) sa Quezon City Jail kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director, J/Chief Supt. Michael Vidamos Sr., ni J/Supt. Randel Latoza, QC Jail Warden, nagsimula ang kaguluhan dakong 2 a.m.

Ayon sa report, isang inmate na may problema sa pag-iisap na kinilala sa pangalang Jeffrey Daclan, ang nag-umpisa ng gulo makaraang niyang suntukin ang isang medical coordinator ng Bahala Na Gang habang nasa loob ng Medical Unit ng QC Jail.

Nasaksihan ito ng ilang miyembro ng Sigue Sigue Sputnik Gang at dahil inaakalang miyembro nila ang sinuntok, naging mabilis ang pagresbak ng grupo sa BNG hanggang magkagulo na ang dalawang grupo.

Dahil sa kaguluhan, nagliparan ang mga bote at baso na ikinasugat sampung  preso. 

Naging mabilis ang pagresponde ng mga jailguard kaya agad naagapan ang riot na tumagal lang nang halos tatlong minuto.

Dinala ang mga sugatan sa Health Service Unit para agad malapatan ng lunas.

Aminado ang grupo ng Sigue-Sigue Sputnik gang na napagkamalan lang o “mistaken identity” ang dahilan kaya napag-initan sila ng kabilang grupo.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa nasabing insidente upang matukoy kung ano ang tunay na naging dahilan ng riot.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …