Friday , November 22 2024

May mahihita ba ang sambayanan sa Mamasapano reinvestigation sa Senado?

killed SAFNGAYONG araw ay bubuksan ang reinvestigation sa Mamasapano incident.

Eksaktong isang taon at dalawang araw, Enero 27 (2016) pagkatapos ng nasabing insidente, muling pinabubuksan ni Senator Juan Ponce Enrile ang imbestigasyon dahil mayroon umano siyang ihaharap na bagong ebidensiya.

Hindi na raw niya kailangan ang kopya ng audio recording sa pagitan ng isang ‘mataas na opisyal ng gobyerno’ at isang ‘mambabatas’ na hawak ng isang Chief Supt. Diosdado Valeroso.

Ang nasabing usapan umano ay may higing na i-cover-up kung ano ang tunay na pangyayari sa Mamasapano incident.

Pero ayon kay Senator JPE, hindi na umano dapat i-subpoena kung sino man ang mayhawak ng ebidensiya, dapat na magpakita na agad sila sa Senado.

Pero hindi sang-ayon ang ilang Senador sa ihaharap na ebidensiya ni Valeroso kasi lalabas umano na wiretapping ito.

Ang inaabangan ng sambayanan ngayon ay kung gaano ‘kalakas’ ang paputok na ito ni Senator JPE.

Nakagigimbal ba talaga ito at kayang ipakulong o i-impeach si PNoy at ang kanyang mga alyado?!

O ito’y isang tila ‘supot’ na paputok?!

Totoo rin kaya na ang layunin ng pag-iingay ni JPE ay para makapagpiyansa ang kanyang chief of staff na si Gigi Reyes, kilala sa Senado bilang ika-25 senador?!

Pero knowing Enrile, hindi siya sanay gumamit ng mga ‘supot’ na paputok.

Kumbaga sa galaxy, mas kilala si Enrile sa kanyang BIG BANG operations.              

Let’s wait and see kung mayroong kagulat-gulat sa mga ilalabas na ‘ebidensiya’ ni Senator JPE.      

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *