Friday , November 22 2024

Bigyan ng ‘loyalty award’ si Paul Versoza ng BI!

immigrationSAYANG naman at natapos na ang anniversary at ang Christmas party ng Bureau of Immigration (BI) dahil wala nang pagkakataon si BI Comm. Ronaldo Geron para magbigay ng “Loyalty Award!”

Number 1 candidate at irerekomenda ko sana si PAUL VERSOZA na isa sa terminal heads ng NAIA!

Bakit ‘kan’yo?!

E hindi ba nga, noong inaakala niya na hindi na bababa ng puwesto si Fred ‘pabebe boy’ Mison ‘e dali-dali raw nagpa-meeting sa BI-NAIA at sinabi na dapat ay maging loyal daw silang lahat kay Mison dahil uupo pa raw until July 2016!

Bwahahaha!!!

So ngayon, nasipa na si Pareng Fraud ‘este’ Fred Mison sa BI heto naman at nakikitang panay ang samba ‘raw’ sa bagong upong bossing ngayon sa BI main office?!

Pakengsyet!!!

Nuknukan pala ng balimbing ang punggok ‘este’ mamang maliit na ‘yan!?

Maraming immigration officers ang nagbalita sa atin na matapos daw mabasa ‘yung naunang isinulat natin tungkol sa isang maliit at maitim na mama sa BI-NAIA, kontodo ngalngal at ngawa daw ‘yang si Paul panot ‘este’ Versoza at galit na galit kahit wala naman tayong binabanggit na pangalan.  

Hahaha!

Ang tao nga naman… kapag talagang guilty madaling makaramdam!?

Well, ang masasabi lang natin sa ‘yo parekoy, ‘wag mo na kaming paandaran.

Alam na alam naman namin ang karakas mo, ‘di ba?

Kung ang iniidolo mong si Mison, hindi namin kinasindakan, ikaw pa kaya?!

Unsolicited advice P’re, medyo konting practice ng loyalty lalo na sa mga tao na nagbigay sa ‘yo ng pagkakataon at tiwala.

Isipin mo naman ‘pag kaharap mo ang boss mo kontodo pabebe ka. Pero pagtalikod doon ka naman sa kabila?!

You’re so gross!!! Sa tagalog GRABE!

And don’t forget, “Don’t bite the hands that feed you!”

Gets mo na?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *