GAGAWIN mamayang gabi ang taunang parangal ng UAAP-NCAA Press Corps sa Kamayan-Saisaki Restaurant sa EDSA Greenhills.
Inaasahang pipiliin ng mga miyembro ng lupon ang College Player of the Year noong 2015 at ang mga kandidato para sa parangal na ito ay ang mga miyembro ng Collegiate Mythical Five na sina Kiefer Ravena ng Ateneo, Allwell Oraeme ng Mapua, Scottie Thompson ng Perpetual Help, Kevin Ferrer ng UST at Mac Belo ng FEU.
Ang iba pang mga awardees ay sina Coaches of the Year Nash Racela ng FEU at Aldin Ayo ng Letran; Baser Amer, Mark Cruz at Mike Tolomia bilang Super Seniors; Roger Pogoy at Kevin Racal bilang mga Pivotal Players; Art Dela Cruz at Ed Daquioag bilang mga impact players; Jio Jalalon bilang court general at Jeron Teng bilang energy player.
Magiging host ng Collegiate Basketball Awards ang courtside reporter ng NCAA ng ABS-CBN na si Ceej Tantengco.
( James Ty III )