Saturday , January 11 2025

Compton: Hindi dapat magkampante sa game 3

012116 Alex Compton alaska aces
KAHIT may 2-0 na kalamangan ang Alaska Milk sa finals ng Smart BRO PBA Philippine Cup, iginiit ni Aces coach Alex Compton na hindi dapat maging sobra ang kanilang kompiyansa.

Nakuha ng Aces ang ikalawang sunod na panalo kontra Beermen pagkatapos na maitala nila ang 83-80 na panalo sa Game 2 noong Martes ng gabi.

Naisalba ni Vic Manuel ang Alaska dahil sa dalawa niyang free throw at isang supalpal kay Yancy de Ocampo sa mga huling segundo ng laro para maitakas ng Aces ang panalo.

Gumawa si Manuel ng 18 puntos at pitong rebounds para manguna ang Aces.

“I want to commend coach Leo (Austria) because again, he had a good game plan. We’re fortunate to get away with two wins. SMB does not give up. I don’t think dehado sila. It’s a team of winners and great players,” wika ni Compton. “It’s just that some of their shots didn’t fall and ours fell. We also need to cut down on our turnovers. They’re super tough and Yancy also gave us a lot of problems. Vic’s got the capacity to dominate the game and we thank Luigi (Trillo, dating Alaska coach) for making the trade to get him.”

Sa panig naman ng SMB, naniniwala si Austria na kaya pang makabawi ang Beermen sa Game 3 na gagawin bukas sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Malabo pa ring makasama sa biyahe ng Beermen si June Mar Fajardo na patuloy na nagpapagaling sa kanyang namamagang kanang tuhod.

“We did a good job because they adjusted their game. It’s just the breaks of the game. I told the players na anuman ang mangyari, we will keep on fighting kahit may handicap kami,” ani Austria. “If we had June Mar, it’s a different story. We could hardly get open shots for our shooters dahil extended ang defenses ng Alaska.”

Isa ring problema para sa SMB ay ang pag-foul-out ni Arwind Santos sa dalawang sunod na laro sa finals.

“Medyo nakakaasar yung pag-graduate ko. Minsan ay naiinis ako sa referee pero hindi ko makontrol. Wala kaming magagawa kundi mag-adjust,” angal ni Santos. “Ang importante, huwag kaming ma-disappoint at ma-frustrate. At least yung laro namin sa finals, nag-i-improve. Kaya naman kaming manalo kung mga maliit na bagay ang ginawa namin.”

( James Ty III )

About James Ty III

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Bambol Tolentino POC

POC naghahanda para sa unang medalya sa Winter Olympics sa Harbin Games – Tolentino

MAGPAPADALA Ang bansa ng 20-miyembrong koponan sa ika-siyam na edisyon ng Asian Winter Games na …

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *