Friday , November 22 2024

Nakikisimpatiya tayo kay Lowell Menorca

menorcaNALULUNGKOT tayo sa katotohanang ang mga alagad ng batas (Manila Police Distrcict) na sana’y tagapagtanggol ng mga sibilyan ay parang nagagamit para sa panggigipit ng ating mga kababayan.

Nangyari rin po ‘yan mismo sa inyong lingkod.

Kaya nang makita natin sa telebisyon kahapon ng umaga kung paano inaresto sa kasong libelo si Lowell Menorca ay bigla kong naaalala ang nangyari sa akin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Abril 5 nang nakaraang taon.

Kay Menorca, ang naghain ng warrant of arrest ay nakasibilyan at naka-tsinelas pa.

Ni hindi man lang natin nakitang nagpakilala o nagpakita ng kanyang identification card para i-establish ang kanyang identity bilang police.

Kung makikita po ninyo ang kumakalat na video sa internet, ‘e talagang dinamba no’ng pulis si Menorca, niyakap at talagang desididong huwag bitawan.

Kasama ni Menorca ng mga oras na iyon ang kanyang asawa at anak dahil dadalo sila sa isang hearing sa Court of Appeals (CA).

Una, kaduda-duda ang pagsisilbi ng warrant of arrest na inisyu mula sa isang korte sa Marawi City. Mukhang naglalayong abalahin sila sa pagdalo sa hearing sa CA.

Ikalawa, tiyak na grabeng trauma ang dinaranas ngayon ng anak at asawa ni Menorca dahil sa ginawa ng nasabing pulis-MPD.

Libel ang kaso ni Menorca at hindi heinous crime pero no’ng mahawakan siya ng pulis ‘e para siyang hardened and notorious criminal.

Ganitong-ganito ang naranasan natin noon sa Airport nang pagsalikupan tayo ng mga pulis, isang araw ng Linggo.

Mantakin ninyo, inaaresto ako sa kasong Libel, isang araw ng Linggo pagkagaling sa bakasyon sa ibang bansa?!

Nang-aaresto sa araw ng Linggo?!

Malinaw naman sa batas na BAWAL mang-aresto ang mga awtoridad kapag Biyernes ng hapon, Sabado at Linggo lalo na kung hindi makapaglalakad ng dokumento para sa pagpipiyansa ang akusado.

Ang mga pulis ba ng MPD ay talagang sinanay para mang-harass ng mga mamamayan!?

Aba’y sabi nga ng mga antigong pulis-MPD, ngayon lang daw naman nangyayari ang ganyan gawain sa administrasyon ni Gen. Rolly Nakna ‘este’ Nana!?

E bakit kapag sa mga notoryus na kriminal hindi nila nagagawa ‘yan?!

Bakit hindi sa mga bigtime na drug dealer ninyo gamitin ang mga tapang ninyo?

‘Yung mga nakakasuhan lang ba ng Libel ang kaya ninyong arestohin — with full force pa?!

Ano na ba talaga ang nangyayari sa ilalim ng administrasyon ninyo Gen. Rolando Nana?!

Baka hindi ninyo namamalayan, Gen. Nana na ang mga pulis ninyo ay bihasang-bihasa sa pangha-harass ng mga naaasunto ng libel?!

Aba, mukhang kailangan na kayong kastigohin diyan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *