Friday , November 22 2024

Reunification ng China binigo ng Taiwan sa eleksiyon (Kuomintang inilampaso)

tsai ing wenNAGBUNYI ang bansang Taiwan nang matagumpay nilang naiupo ang lider ng oposisyon na si Tsai Ing-wen sa isang landslide victory sa presidential election nitong Sabado.

Si Tsai rin ang kauna-unahang babaeng lider na naihalal sa parliamentaryo ng Taiwan.

Maigting at matensiyon ang nasabing eleksiyon dahil layunin ng mainland China na muling mabawi ang Taiwan para mai-unify na ang buong bansa.

Pero ayaw itong mangyari ng mga taga-Formosa.

Gayon man walang naitalang karahasan at sa halip ay naging mabilis at mapayapa ang pagtatapos ng halalan. Alas-siyete pa lang gabi ay deklarado na lahat ng mga nanalo sa halalan.

Kung ikokompara sa Filipinas, talagang nakahahanga at nakaiinggit ang eleksiyon sa Taiwan.

 Nawalis man ang kabuuan ng Kuomintang party agad tinanggap ng kanilang kandidato na si Eric Chu ang kanyang pagkatalo. Ganyan sa China. Kahit hindi nangyayari ang ‘gusto’ o plano ng kanilang Communist government, inirerespeto nila ang resulta at ang proseso sa kabuuan.

Pero sabi ng mga taga-Taiwan, ipinakita lang daw nila ang gusto nilang pagbabago. Kaya nga maging ang mga Taiwanese na nasa ibang bansa at ibang bayan sa China ay pilit na umuwi upang iboto ang Democratic Progressive Party (DPP) alang-alang sa hinahangad nilang pagbabago.

Nakapagtataka pa ba kung bakit maunlad ang Taiwan at kayang ipagtanggol ang kanilang awtonomiya sa mainland China?

Maayos, determinado at may prinsipyo ang mga mamamamayan at political leader ng Taiwan…

Dito sa atin…we can only wish and dream to have one.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *