KUNG husgahan naman ng mga nagmamarunong na netizens ang house director ng ABS-CBN na si Cathy Garcia Molina na nahaharap ngayon sa kontrobersiya, parang si Direk Cathy lang ang director na nagmumura sa kanyang mga artista.
Marami riyan, at understandable naman ang bagay na ito lalo na kung under pressure at stress ang ‘piloto’ ng teleserye o pelikula na gustong mapaganda lang ang kanyang proyekto. ‘Yung nangyari na iyon sa set ng Forevermore na namura ni Direk Cathy ang extra sa teleserye nina Liza Soberano at Enrique Gil na si Mr. Alvin Campomanes, normal na sitwasyon ‘yan kapag may shooting or taping.
Matagal nang natapos ng teleseryeng Forevermore pero bakit ngayon lang naisipang ikalat sa social media ng girlfriend ng guy na si Ms. Rossellyn Domingo ang kanyang reklamo. Bakit?
UP professor daw ang kanyang nobyong si Alvin, sabi ni Ms. Domingo at hindi siya dapat minura-mura nang ganoon.
At alam n’yo naman sa social media, s’yempre kung sino ang agrabyado sa kuwento, sa kanya napupunta ang simpatiya ng ibang sawsawerong netizens.
Pero hindi para sa masugid na sumubaybay sa Forevermore na si Dr. Ricky Salonga.
Aniya, “Si Makoy, hindi siya minura o namura ni Direk Cathy dahil siya ay professor sa UP. Nasita, nasigawan at namura siya dahil hindi niya nagagampanan nang tama ang papel niya bilang bit player (extra).”
Dagdag ni Doc Salonga, “Kung very sensitive siya at ayaw niyang masigawan at mamura, hindi niya dapat iniaalok ang sarili niya bilang ekstra.”
‘Yun na!
Pero, ang masaklap, si Direk Cathy ang ina-akusahang gumawa ng palso, pero maging ang mga anak niya, pamilya at ang namayapang mister ay idinadamay sa issue na umabot pa sa puntong pinagbabantaan ang buhay ng director. P30,000 lang daw ang halaga ng ulo niya.
Kaya kamakailan ay binasag na ni Direk Cathy ang kanyang katahimikan.
Sa one on one exclusive interview kay Kuya Boy Abunda sa website ng ABS-CBN Entertainment ay detalyado niyang ibinahagi ang buong pangyayari kung bakit umabot siya sa puntong namura niya ang nasabing bit player.
“Started opening my IG (Instagram), ang da-ming messages na pala,” panimula ni Direk Cathy, “Meron na raw sa Twitter kasi trending ako, tapos binuksan ko wow, galit na galit sa akin ang mga tao. They’re calling me names, marami, bitch, satanas, marami lahat ng pangalan… mal-edukada, hanggang pati mga anak ko nadadamay na, na sana raw ay murahin din sila paglaki nila, siguro raw mura ang minumumog ko everyday hanggang umabot sa asawa ko raw kaya pala namatay.”
Ang pinakamatindi na ikinatakot nang lubha ng director ay dumating sa puntong sinabihan siya sa social media ng, “About riding in tandem, trenta mil lang daw ang katapat ko at tingnan natin kung hindi ka tablan ng bala.”
Sinabi ni Direk Cathy, sa isa pang panayam sa kanya ni katotong Regee Bonoan, na ang de-sisyon niya noong una ay huwag nang magsalita dahil matagal nang tapos iyon pala hindi puwede dahil, “I felt the need to speak-up.”
‘Yung open letter na nabasa niya she admitted to Kuya Boy, “When I found the letter he was right Tito
Boy, I really cursed but not him.”
Hindi naman daw kasi naikuwento sa sulat ni Alvin kung bakit paulit-ulit ang eksena at kung bakit siya nakapagmura. Ipinaliwanag ni Direk Cathy na hindi siya galit kay Alvin kaya niya minura kundi dahil sa sitwasyong hindi niya alam ang gagawin sa set, dahil nga ang alam ni Direk ay dumating ang talent niya bilang artista.
“I admit na nagkamali po ako, I admit nagmumura po ako Tito Boy. I never lied, I never lied to anyone,” sey ng kontrobersiyal na lady director at dagdag niya, nagagawa niyang magmura para mapaganda ang show, mapaarte ang artista, makuha ang kailangan.
“Pero hindi ko po ipinagtatanggol na tama ang ginawa kong pagmumura, mali ang magmura. Pero sana inilagay natin sa konteksto na that incident, I remembered I was a far… I was far from the set dahil alam naman natin ang La Presa (Trinidad, Benguet) ay malalaki ang shot. Ako po ay nakamikropono sa tent at hindi ko sila halos nakikita. Ano po ‘yun, SOP (standard operating procedure) na magbibigay ako ng directives, ng direction sa AD (assistant director) na siya na ang nagpapatakbo ng set. Maraming rehearsals, instructions na hindi nakuha, okay, kaya ‘yung sumunod, nagsa-lita na ako. To be exact ang sinabi ko, ‘Sino bang kausap mo (Alvin) bakit hindi ka tumitingin? Tingnan mo ang kulit mo naman e, Paksyet ka!’”
Inamin ng director na masama ang magmura, pero sa industriya raw ng showbiz ay kultura na ito. Hindi mura to degrade or to humiliate or to insult anyone, ito ay ‘bukambibig.’
Malinaw na hindi pananapak ang ginawa ni Direk Cathy, kundi ginagawa lang niya ang kanyang trabaho kaya labis si-yang nasasaktan ngayon at ang ikinasasama ng loob ay idinamay pa ang kanyang mga anak sa issue na kanyang ikinalungkot at iniyakan.
“I’m doing this for my family. Spare my family. Hindi sila kasali rito. Ang naka-offend kay Alvin at sa girlfriend niyang si Rossellyn, ako. Ako ang mag-a-apologize. And if I deserve criticism too, then let it just be me. Huwag ang mga anak ko, huwag ang magulang ko, huwag ang mga kapatid ko.”
May point ang director dahil noong sigawan niya at murahin si Alvin ay wala siyang ibang binanggit, wala sa pagkatao dahil wala siyang alam sa pagkatao ng lalaki. At sana rin, kung wala namang alam sa pag-arte at hindi marunong sumunod sa instructions ng director ay manahimik na lang at maghanap ng ibang job at huwag nang mag-ilusyon na mag-artista.
Nakabubuang ang attitude ng isang bit player, kapag ganyan gyud!
MANA UGAT NG GULO, ESKANDALO AT DEMANDAHAN SA “DOBLE KARA”
Sa nakaraang episode ng isa sa pinakapinapanood na panghapong teleserye sa Kapamilya Gold na “Doble
Kara,” natagumpay si Sarah sa karapatan nila ng kakambal na si Kara (parehong ginagampanan ni Julia Montes).
Pero matapos maipaglaban ni Sarah ang karapatan nila ng kakambal at makuha ang manang iniwan para sa kanila ng namayapa nilang ama na si Antonio (Allen Dizon), ang kapatid naman ni Sebastian (Sam Milby) na si Alexandra (Maxene Magalona) ang nagsampa ng demanda laban sa kanilang madrastang si Donya Barbara (Alicia Alonzo) na ipinaglalaban ng dalaga ang karapatan nila ng Kuyang si Sebastian para sa manang naiwan sa kanila ng kanilang Daddy, na ipinagdadamot ni Barbara at Lucille (Carmina Villaroel).
Magtagumpay kaya si Alexandra at Sarah na nagbubuyo sa kanya para labanan si Barbara lalo’t malaking hadlang si Lucille para makuha nila ito? Nagbanta ang madrasta (Lucille) nina Kara at Sarah na guguluhin niya ang buhay ng kambal at magkapatid na Sebastian at Alexandra pero may matindi si-yang makababangga sa katauhan ng ina ng kambal na si Laura (Mylene Dizon) na hindi rin siya uurungan. Kaya’t huwag bibitaw sa mas kapana-panabik na mga tagpong mapapanood sa Doble Kara, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng It’s Showtime.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma