Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael, inaani na ang sipag at tiyagang ipinundar

120915 michael pangilinan

00 SHOWBIZ ms mIsang clean cut na Michael Pangilinan ang humarap sa amin isang hapon sa Dong Juan Restaurant. Ibang-ibang hitsura ngayon ni Michael kompara noong una namin siyang nakakahuntahan. Mas bumagay ang bago niyang gupit dahil lalong lumabas ang kaguwapuhan.

Nakatutuwa rin na tila nagbago na ang pananaw niya sa buhay ngayon. Mas matured na siya lalo na sa paghawak ng pera. Hindi tulad noon na sige lang siya sa pagbili ng kung ano-ano. Iba na talaga kapag may responsibilidad na. At ito ay ang kanyang anak.

Apat na taon na pala sa industriya si Michael at nakatutuwang malaman na malayo na rin ang narating niya. Marami na siyang nakamit at marami pa ang parating. “Naaalala ko pa noon, pilit lang akong isinisingit ng manager kong si Nanay Jobert Sucaldito sa show ng kanyang mga kaibigan para magka-break o exposure lang. Ngayon, ang dami nang inquiries,” masayang pagbabalita sa amin ni Michael.

“I feel so blessed dahil marami akong work ngayon. I am thankful kay Lord dahil unti-unti kong natutupad ang pangarap ko—ang makilala ng kaunti, mabili ang mga gusto kong bilhin, nakabili na ako ng 3 kotse and next time, bahay naman, pag-iipunan ko talaga,” sambit pa ng bagets na malaki ang pasasalamat sa Star Music, MOR 101.9, at ABS-CBN dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya.

“I have few shows na ikina-excite ko. I am guesting sa #alwaysEA concert ng kaibigan kong si Edgar Allan Guzman sa Music Museum this coming Saturday, January 16, 8:00 p.m.. I will be in Tondo, Manila earlier that day para sa kanilang piyesta with Kuya Duncan Ramos at iba pang artist.

“The next day naman ay sa Pandacan, Manila ako for their fiesta with kuya Aljur Abrenica, KZ Tandingan, Mama Boobsie Wonderland, at Andrew E.

“This Valentine season, magkakaroon ako ng special shows sa CSI La Union sa February 13 and Pavillion Mall sa Binan, Laguna sa February 14. Sa malls ang Valentine shows ko this time para maiba naman. I am also touring the 9 Xentro malls this month till end of February,” pagbabalita pa ni Michael.

At ang pinaka-excited na si Michael ay ang pinakamalaki niyang concert para sa kanyang 21st birthday sa November. “Ito na ang pagtupad ng pangarap kong makapag-perform in my own concert sa isang malaking venue,” giit ni Michael na malamang ay gawin sa Araneta Coliseum.

Congrats Michael, iba talaga ang nagagawa ng may tamang direksiyon ang career at marunong maghintay.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …