Thursday , December 26 2024

Kapalpakan ng DOTC kanino isisisi?

Bato BalaniANONG klaseng Presidente si Noynoy Aquino? Aba’y mga ‘igan, limang buwan na lamang at bababa na ang ‘Mama’ sa kanyang puwesto’y mukhang namanhid na ang buong katawan sa katotohanan, partikular sa totoong nangyayari sa mga Boss n’ya, ang katarantaduhan sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT), na lumikha at lilikha pa ng malalaking perhuwisyo at abuso sa taong bayan! Pero, ‘deadma’ lang si Pnoy, samantala tuloy–tuloy naman sa kanyang kapalpakan si Department of Transportation and Communication (DOTC) Sec. Joseph Emilio PABAYA ‘este’ Abaya!

Tunay nga bang sakripisyo ang pabaon ni PNoy sa mga  tinatawag n’yang Boss n’ya? Ano’t hindi n’ya mapatalsik si Pabaya ‘este’ si Abaya na sa kanya humuhugot ng lakas at kapal ng mukha?

Sus ginoo…    

Ayon sa aking ‘Pipit’ mga ‘igan, may walong beses na sa buwang ito, na nagkaroon ng aberya ang MRT na ‘yan, na lagi na lamang may nakakabit na perhuwisyo sa tuwing aandar. Kung kaya’t, hayun…nganga na naman ang mga ‘Boss’ ni PNoy. He He He…Ang tanong, bakit hinahayaang mangyari ito nang paulit–ulit sa tao? Hindi ba masosolusyonan ito nang hindi na maulit pang muli? Hindi na ba talaga nakararamdam ng awa ang gobyerno lalo na ang DOTC sa mga pasaherong biktima ng nasabing isyu?

Minsan nang nagtaas ng pasahe ang MRT, walang pumalag dahil sa hagad na pagbabago. Ngunit, dahil walang pagbabagong nagaganap hanggang sa kasalukuyan, pumapalag na ang taumbayan! Ano at sino ba ang solusyon? ‘Talsikan Blues’ at si Abaya ang solusyon! Ang pulso at ang sigaw nga ng bayan… “Patalsikin si Pabaya ‘este Abaya!” Tama na, Tuldukan na! Kapalpakan sa DOTC sa kanya dapat ISISI.          

Tulong–medikal ni Lim patok sa Maynila

TULOY–TULOY at walang pagod na ibinabahagi ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim ang kanyang “Tulong Medikal” sa mga Manilenyo, partikular sa mahihirap nating mamamayan. Isa sa mga nabibigyan n’ya ng pansin ay mga Senior Citizen at Person With Disability (PWD), na pinagkakalooban n’ya ng libreng “wheelchair.”

Ayon sa pulso ng aking ‘Pipit,’ iba pa rin talaga ang karisma ni “Ka Fred Lim” sa mga Manilenyo. Tunay na kakaiba kompara umano sa kanyang mga katunggali.

Dahil kilala si “Ka Fred Lim” na “Ama ng Libreng Serbisyo,” gustong muling maramdaman ng Sambayanang Manilenyo ang tunay na libreng serbisyo ni LIM. ‘Yung mga Lim-breng ‘este’ libreng Ospital sa Maynila noong kanyang administrasyon na libre ang pagpapagamot may kasama pang libreng gamot; ‘yung libreng paaralan sa Maynila para sa libreng edukasyon ng mga kabataan partikular sa kolehiyo. Alam kaya nila na si “Ka Fred Lim” ang nagpatayo ng mga libreng ospital sa District 1–6 ng Maynila at ang sinasabi nilang libreng Paaralan? Siya nga at wala ng iba pa!

Nawa’y huwag magpadala sa napapabalitang “Boto mo, Bilhin ko” sa kalakhang Maynila sa darating na Eleksiyon. Boto mo’y mahalaga at makatutulong sa pag–angat at pagbabago ng iyong buhay. Si District V Barangay Chairman Jimmy Adriano, na isang tapat at masigasig na “Public Servant,” at si District VI Barangay Chairman Caloy Castañeda, na walang humpay din sa kanyang paglilingkod lalo na sa mahihirap, ay mga tunay na lingkod bayan inyong maaasahan at kaagapay ninyo tungo sa pag–unlad ng inyong buhay sa Barangay. 

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *