LOOK who’s talking!
Grabe naman ang patutsadahan ng mga Star Cinema executive hanggang sa production people sa patuloy na kumukuwestiyon sa inabot na kita ng Beauty and the Bestie sa takilya na sila na ang itinanghal na highest grosser sa katatapos na MMFF (Metro Manila Film Festival).
Marami naman kasi ang nainis sa linyang patungkol sa kanila na, “Galit si Lord sa mga mandaraya!”
Kung minsan, nakakalimutan kasi ng mga tao na sa pagsasabi nila ng isang bagay eh, baka bumuwelta rin ito sa kanila kung hindi muna nila naiisip kung sa isang punto ba ng buhay nila eh, hindi nila nagawa ang ibinibintang nila sa kapwa nila.
Eh, isang multo na nga ng nakaraan ang nasabing pangyayari. But it will haunt that person kasi wala namang closure ‘yun, eh. Kaya kahit na ano pang klase ng pagpapakita ng kabutihan sa kapwa ang gawin niya, alam niyang sa isang panahon, mayroon din siyang ginawang hindi maganda sa kapwa niya.
Napatunayan na nina Coco Martin at Vice Ganda na patok ang tandem nila sa pelikula at sa takilya.
Kaya ngayon, tutok ako sa Ang Probinsyano dahil sa bagong karakter na papasok dito. Ang binibining si Paloma!
Kung naka-P400-M sa takilya sina Coco at Vice sa mga papel na ginampanan nila sa ginagawang kontrobersiyal na kita nito, kapag sinakyan ni Coco sa pelikula ang binibining si Paloma at si Vice naman ang magiging Coco, siguradong riot ito!
Ang gandang babae ni Paloma, ha!
Napanood namin ang highest grosser na pelikula na tawang-tawang-tawa lang kami sa mga eksena ng mag-bestie in real life.
Alam mong may mga bago silang inihain sa pelikula. Hindi maingay! Walang sigawang walang kapararakan! Bago! ‘Yung hindi mo pa nakita sa iba nilang mga ginawa! So, hindi luma, ‘di ba?
Now, it’s ooh La Paloma Blanca! Abangan na!
Coco continues to be blessed kasi, ang pagbibigay niya eh, walang hinihintay na kapalit. Hindi siya nagbibilang. Hindi nanunukat at nanunumbat. Kaya nag-e-extend ‘yun sa takbo ng buhay niya! Ganon lang naman kasimple ‘yun. Huwag manapak ng iba. Huwag magpanggap na maputi ka!
HARDTALK – Pilar Mateo